Rachelle Ann Go, umatras na sa Miss Saigon

Rachelle Ann Go, umatras na sa Miss Saigon

Rachelle-Ann-GoISANG LINGGO lang ang ibinigay na bakasyon sa award-winning theater actress na si Rachelle Ann Go para magbalik Pinas ng Disney Asia (all expenses paid) para mag-record ng version niya ng A Dream Is A Wish Your Heart Makes para sa music video ng Disney’s Cinderella na palabas na ngayon sa mga sinehan.

Sa pagbabalik-bansa ni Rachelle, kaagad niyang tinanggap ang paglabas sa Ryzza Mae Show, kung saan pinalakpakan nang kumanta siya na wala nang ginamit na microphone.

Sinamantala na rin ni Rachelle ang pagkakataon na muling makapiling ang mga kasama sa Sunday All Stars sa GMA 7, kung saan binigyan siya ng warm welcome na pansamantala niyang iniwan nang mag-perform sa Miss Saigon.

Sabay ng kanyang pagbabalik-bansa ay para i-celebrate na rin ang kanyang 11th year in showbiz na nagsimula nang maging champion siya sa Search For A Star in 2004.

Nag-post siya sa kanyang Instagram ng: “I joined a singing competition called Search For A Star, hosted by one of my inspiration, Ms Regine V. It opened a lot of doors after the final night. Album, concert, tour here and abroad. It was a dream, but my journey was not easy. There were a lot of obstacles, people who pulled me down and made me feel worthless. It was painful but I guess it was part of I and still is. I was on the verge of giving up but I did not. I just kept on dreaming…I learned that we are all important in God’s eyes. Let us just believe and have faith in what He gave us and use it in His purpose. Appreciate all the people believing in what we can and what we think we can`t do. Just be patience because God`s timing is perfect…always.Thank YOU To God be the Glory!”

Sa Tuesday, March 17, na ang balik ni Rachelle sa London para ipagpatuloy ang kanyang pagganap as Gigi sa Miss Saigon. Ang last performance niya sa nasabing stage play ay sa May 9 at hindi na raw niya ire-renew ang kontrata. Pero tuloy pa rin siyang mag-o-audition sa iba pang musical play sa West End tulad ng Les Miserables at Wicked.

Lovelife? Zero pa rin daw hanggang ngayon.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo