Rachelle Ann Go received memo from GMA-7 for rejecting a role in Amaya?

NAKITA NAMIN ANG ilang reaction ng fans sa Facebook tungkol sa pagbubuntis ni Andi Eigenmann. At very encouraging naman so far ang nabasa namin.

Labis na humanga ang nga Facebook users sa katatagan ni Andi at maging ang ina nito na si Jacklyn Jose na panindigan ang pinasok na sitwasyon ng aktres. Ang comment ng iba, maganda ang ginawang pag-amin ni Jacklyn na buntis nga ang

kanyang anak. May of them lauded Jacklyn’s act of bravery in facing the issue head on nang walang pag-aalinlangan.

Nagustuhan din ng Facebook users ang ginawang move ni Jaclyn na aminin ang isang bagay na usually ay itinatago ng ibang artistang nabubuntis nang wala sa panahon.

Sabi pa ng fans sa FB, mabuti pa si Andi ay hindi nagtago. May mga artista raw kasi na nagtatago kapag nabubuntis at sa huli na lang nalalaman na nanganak na pala ito.

Madamdamin ang mga pahayag ni Jacklyn at lalo ka-ming humanga sa kanya nang humingi siya ng pang-unawa sa nagawa ng kanyang anak. Umiral ang kanyang motherly instinct nang sabihin niyang sana ay bigyan pa ng isang pagkakataon ang kanyang anak na makabalik sa showbiz pagkatapos na ito ay makapanganak.

Mabuhay ka, Jacklyn, dahil bilang isang ina ay ipinakita mo ang katatagan sa gitna ng isang sitwasyong hindi mo inaasahan.

MAY PRESSURE KAY Nadine Samonte ang bagong packaging sa kanya ng TV5. Young dramatic actress kasi ang magiging imahe na ngayon ng dalaga sa bago niyang tahanan.

“It’s a big pressure for me pero fun, fun lang,” sabi ni Nadine sa Paparazzi.

When asked kung ano talaga ang dahilan kung bakit siya lumipat sa TV5 ay ito ang sagot ng aktres: “Before everything else, I would like to thank GMA dahil sila po ang dahilan kung bakit ako naging Nadine Samonte. Gusto kong magpasalamat sa TV5 kasi they trusted me. Lumipat po ako because the network is still young and I want to grow with them.”

Dagdag pa ng aktres, hindi naman niya talaga forte ang pag-aartista dahil nag-start siya bilang print ad model. Kaya lang, nagkaroon sila ng financial problem kaya napilitan siyang mag-artista. Una siyang nakilala bilang StarStruck finalist.

NAKAKALOKA NAMAN KUNG totoo ngang binigyan ng memo ng GMA-7 si Rachelle Ann Go dahil lamang hindi ito pumayag na maging cast member ng Amaya.

Tinanggihan daw ni Rachelle ang role dahil sa napakalayo ng location ng taping. Parang feeling niya, hindi niya kakayanin ang malayong biyahe. Kaya lang, sa kanyang ginawa, nagbaba raw ng memo ang Kapuso network.

Kung true ito, aba, wala na palang choice ang isang contract star nila na umayaw sa anumang project. Tama ba ‘yon? Eh, paano kung talagang hindi niya feel ang role, pipilitin ba siya ng network na gawin ‘yon kahit labag sa kanyang kalooban?

BLIND ITEM: HALOS kambal sa ganda ang dalawang aktres na ito na dating magkasama sa iisang manager.

Maganda at sexy, isa na lang ang kulang sa kanila – pareho silang hindi biniyayaan ng malaking boobs. At nang magkaroon ng production number ang dalawa para sa isang awards night kasama pa ang tatlong artista na mina-manage din ng kanilang manager, napagpasyahan ng dalawang aktres na magpa-enhance ng kanilang boobs dalawang linggo bago ang production number nila.

At nang nasa hotel room na sila while wai-ting for their production number ay ipinakita ng dalawang aktres ang kanilang boobs sa mga tauhan ng kanilang manager. Fresh pa ang pilat sa ilalim ng dibdib ng dalawa kung saan inilagay ang silicone. P50,000 each ang ginastos ng mga hitad para sa kanilang breast implant.

Da who sila? Well, both are now very rich and are still very glamorous at parang hindi tumatanda.

 
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleMelai Cantiveros is now a movie star!
Next articleGwen Zamora to star in an Indonesian film!

No posts to display