Rachelle Ann Go at Mark Bautista, namamayagpag sa London

ADVERTISING

Rachelle Ann Go at Mark Bautista, namamayagpag sa London

Mark-Bautista-Rachelle-Ann-GoKUWENTO RIN sa akin na bonggang-bongga raw ngayon sina Mark Bautista at Rachelle Ann Go na namamayagpag sa kanilang career sa London.

Isa si Mark sa mga bida sa musical play na Here Lies Love na kung saan tumatalakay ito sa kuwento ni Imelda Marcos.

Para talaga sa mga Pinoy itong musical play, at karamihan siyempre mga Pinoy ang mga gumaganap.

Si Mark ang gumaganap na Ferdinand Marcos at puring-puri siya sa magaling niyang performance.

ADVERTISING

Ang dami ngang nagnanasa roon kay Mark dahil lalong sumeksi. Pero siyempre focus muna si Mark sa trabaho dahil kailangan niya talagang mag-ipon para sa pamilya.

Si Rachelle Ann naman, waging-wagi sa Ms. Saigon na kung saan gumaganap siya bilang si Gigi.

Marami na rin ngang mga Pinoy na nakapanood doon sa West End at isa siya sa pinagkakaguluhan doon.

Ang dami rin daw nanliligaw sa kanya roon, pero hindi raw muna niya pinapansin doon dahil sa trabaho muna siya naka-focus.

Sa totoo lang, ang dami nating mga talented na performers na tiyak na mabibigyan ng pagkakataong umariba sa ibang bansa.

Dapat sali lang nang sali sila sa mga auditions. Malay mo, magwawagi rin sila sa mga musical plays gaya nina Lea Salonga, Leo Valdez, Mark, Rachelle Ann at marami pa.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING