NEW MOM ALERT: Rachelle Ann Go is pregnant!

ADVERTISING

MAGIGING Mommy na ang minamahal nating Pinay Diva and Westend favourite na si Rachelle Ann Go!

Ito ang magandang balitang ibinahagi ni Shin (palayaw ni Rachelle Ann) at ng kanyang asawang si Martin Spies sa pamamagitan ng kanyang YouTube channel kahapon, November 20.

ADVERTISING

Ayon sa mag-asawa, nalaman nila ang pagbubuntis ni Shin noong Agosto. Ten weeks pregnant na ito by the time of their discovery.

NEW MOM ALERT: Rachelle Ann Go is pregnant!
Martin Spies and Rachelle Ann Go

Excited na ang soon-to-be momshie sa magandang blessing na kanilang natanggap. “We are so grateful for this new season, this new blessing. Oh my gosh! I can’t believe it. I’m gonna be a mama. Mama Shin and Papa Martin.” pahayag nito habang hawak ang kanyang lumalaking baby bump.

Alam na ng mag-asawa at ng kani-kanilang pamilya ang gender ng bagong anghel ng kanilang buhay, pero mas gusto ng mag-asawa na gawin munang pribado ang impormasyong ito para na rin mas exciting soon!

ADVERTISING

Ikinasal sina Martin Spies, na originally ay taga-Amerika at si Rachelle Ann noong April 18, 2018. Tuluyan na itong sumama kay Shin sa United Kingdom at doon na rin naninirahan. Ilang buwan lang ang nakararaan nang umpisahan nila ang kanilang YouTube channel kung saan ibinahagi na nila ang mga preparasyon sa pag-aayos ng kanilang bagong bahay. Mukhang swan na swak ang timing dahil madadagdagan na ng miyembro ang kanilang pamilya!

Many congratulations to you two, Martin and Rachelle Ann! We can’t wait to meet your little angel soon!

ADVERTISING