Rachelle Ann Go, best female performance ng Broadway World UK Awards bilang Fantine sa Les Miserables

ADVERTISING

Rachelle Ann Go, best female performance ng Broadway World UK Awards bilang Fantine sa Les Miserables

Rachelle-Ann-GoDahil sa pagganap ni Rachelle Ann Go bilang Fantine sa longest running musical na Les Miserables sa London, ginawaran siya ng Best Female Performance ng Broadway World UK Awards para sa paglabas niya sa West End production of Les Miserables.

Masayang-masaya si Rachelle dahil hindi niya inaasahan na magwawagi siya ulit para sa ibang musical.

Last year, nanalo rin si Rachelle Ann sa Broadway World UK Awards para sa pagganap niya bilang Gigi sa pagbabalik ng Miss Saigon sa West End.

Bukod kay Rachelle Ann Go, isa pa ring Pinoy ang nanalo, siya si Jon-Jon Briones as Best Male Performance para sa Miss Saigon, kung saan siya gumanap bilang Engineer.

ADVERTISING

Kasama si Jon-Jon sa original Pinoy cast ng Miss Saigon noong 1989, kung saan si Lea Salonga ang gumanap na Kim.

Kasali rin sa original London cast sina Isay Alvarez, Pinky Amador, Janine Desiderio, Robert Sena, and the late Junix Inocian.

Siyanga pala, kung magkakaroon daw ng chance si Rachelle Ann na makapag-celebrate ng Christmas sa ating bansa ay gagawin niya. Miss na raw niya kasi ang magdiwang ng Kapaskuhan sa ating bansa.

Lovelife? Wala pa rin raw siyang karelasyon at this time. Pero happy naman daw siya sa tinatamasang tagumpay sa tinahak na pagpe-perform on stage.

Sana daw ay dumating ang panahon na makatagpo siya ng tunay na lalaking magmamahal sa kanya.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING