Rachell Ann Go, aggrieved party in her break-up with John Prats

ADVERTISING

Rachell Ann Go, aggrieved party in her break-up with John Prats

Rachell Ann Go, aggrieved party in her break-up with John PratsMARAMI ANG NAG-REACT na mga viewers nang mapanood sa Startalk ang interview kay Rachelle Ann Go kaugnay sa isyung break-up nila ni John Prats.

ADVERTISING

Naalangan pa kasing magsalita si Rachelle Ann dahil nu’ng ikinuwento ni Toni Gonzaga at ibinuking na break na raw sina John at Rachelle Ann, walang kamalay-malay ang huli na ‘yun ang sasabihin ng itinuturing pa naman niyang kaibigan.

Sabi lang ni Rachelle, hindi raw totoong break na sila ni John nu’ng ikinuwento ito ni Toni sa The Buzz.

“For the longest time hindi po, pero ‘yun sa ngayon, ‘yun muna. Ayoko munang magkuwento po ng kung ano, pero oo, saka na lang ‘pag okey na lahat.

ADVERTISING

“Ang hirap kasing magsalita kasi medyo magulo talaga. Magulo po lahat. Hindi pa rin kami kasi nag-uusap, so hindi ko rin alam,” sagot ni Rachelle Ann nang tinanong ito ng Startalk.

Kasi ‘di ba? Dapat hinintay na lang ni Toni na manggaling ang kumpirmasyon ng break-up sa mga taong involved talaga, sina John at Rachelle Ann.

Kaya nagulat na lang si Rachelle Ann nang dumating ito galing Singapore, ang dami nang nagtu-tweet at tumatawag sa kanya para alamin kung totoo nga ito.

Basta ang sabi ni Rachelle Ann, kamakailan lang sila nag-break ni John, pero malabo pa raw talaga at hindi pa raw siya puwedeng magsalita sa ngayon.

“Kasi naguguluhan din ako sa kaganapan. Naguguluhan din naman ako, so oo, hindi ko alam eh, sobrang hindi ko po alam.

“Hindi ko rin kasi ma-explain. Hindi ko rin po alam kung paano ipapaintindi sa lahat. Magsasalita din po ako, kapag naayos na lahat,” sey na lang ng singer/actress.

Marami ang naawa kay Rachelle Ann kasi nanahimik ito, biglang ibinuking nina Toni at pati na rin yata si Mariel Rodriguez.

Pagkatapos parang pinaglalaruan pa ito sa Happy, Yipee, Yehey! na minsan tinutukso nila si John.

Minsang nagpapatugtog sila ng kanta ni Rachelle Ann kapag isasalang na si John.

Nu’ng Biyernes nga ay inamin na ni John na single na siya, kaya ‘yun na rin ang sasabihin ni Rachelle Ann.

Ang paniniwala na lang ng Party Pilipinas mainstay na may dahilan daw kung bakit nangyayari ito, at tanggap naman daw niya kung ano ang kagustuhan ng Diyos.

Sa totoo lang, kay Rachelle Ann ang simpatiya ng mga tao at kinaiinisan lalo si Toni Gonzaga dahil nagmamagandang inunahan pa ng announcement ang dating magkasintahan.

 

MATINDI ANG LABANAN sa darating na Metro-Manila Film Festival dahil ang lalaki ng mga artistang involved, huh!

Labanan ito ng Ang Panday 2 nina Sen. Bong Revilla at Marian Rivera at ang Enteng ng Ina Mo nina Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas.

Sabi naman ni Bong, hindi siya nag-aalala sa labanan nila nina Vic at Ai-Ai, kundi mas masaya pa raw siya dahil magaganda at malalaking artista ang kalahok. Kaya natutuwa siya dahil ang mga manonood ang makikinabang.

Bukod kina Bong at Vic, kasali rin ang kina Kris Aquino at Dingdong Dantes na Segunda Mano, My Househusband nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos, Mr. Wong ni Robin Padilla, at meron pang Shake, Rattle and Roll 13, Yesterday, Today and Tomorrow at Hototay ng Regal Films.

At least star-studded ang parada hanggang awards night kaya masaya ang promo nito at mag-i-enjoy ang mga manonood.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING