Rabiya Mateo sinagot ang mga isyung ipinupukol sa kanya pagkatapos manalo sa Miss Universe Philippines

ADVERTISING
Leo Bukas

Dinepensahan ni Miss Davao Alaiza Malinao ang newly crowned Miss Universe Philippines na si  Rabiya Mateo ng Iloilo sa kontrobersyang kinakaharap nito pagkatapos manalo sa national pageant.

Isa sa mga alegasyon dito ay ang pagkakaroon daw nito ng glam team who did her makeup which is against the rules of the pageant.

ADVERTISING

“So deserving!!! Sya lang po nag me-make-up sa sarili niya,” ani Alaiza sa kanyang post sa Instagram.

Rabiya Mateo sinagot ang mga isyung ipinupukol sa kanya pagkatapos manalo sa Miss Universe Philippines
2020 Miss Universe Philippines Rabiya Mateo

Dagdag ng Davaoena, “Habang naghihintay kami sa holding area si Rabiya nasa gilid yan nagpapractice mag q and a! Nung prelims, rumarampa yan sa hallway, sa labas ng holding area namin para mag practice ng swimsuit walk nya.”

“Masipag si dzai. She worked hard! She’s fair! She did not cheat. She is a deserving winner. Congratulations @rabiyamateo our Miss Universe Philippines 2020! She is our queen!” dagdag pa niya.

ADVERTISING

Nagbigay din ng kanyang panig si MUP Rabiya.

“To be honest po, maybe I wasn’t a frontrunner so people didn’t expect me to win and now that I have the crown… I’m sorry I’m being emotional.

“They’re questioning my capability as a person, as a candidate… but I know that I did everything and anything that I could during that night and ibinigay ko talaga.”

Sinagot din ng beauty queen ang isyu na nagkaroon ng leakage sa Q and A kaya nasagot niya ito nang maayos.

“And yung mga nagsasabi na the question was given to me that’s why I answered that way, it wasn’t given po sa akin.

“I did everything that I could because I want to make Iloilo City proud,” paliwanag niya.

ADVERTISING