Queenierich Rehman, gumagawa ng record sa Miss World 2012

ADVERTISING

Queenierich Rehman, gumagawa ng record sa Miss World 2012

Queenierich Rehman, gumagawa ng record sa Miss World 2012BLIND ITEM: Ang precursor ng bagong weekend program na ito ay makalawang beses nang nagpalit ng titulo, which had been up against a consistently top-rating show. No amount of creative efforts saved the show from extinction, kaya sinibak ito at pinalitan ng isang panooring may kakaibang konsepto.

The new show promises to be a hodgepodge of everything, kumbaga sa pagkain ay wala itong inilayo sa pinakbet o chopsuey with a mix of different veggies. Kumalas na ito sa dating format ng kanyang pinalitang programa in the same time slot.

Risky as the format may seem (idagdag pa kung tatanggapin ‘yon ng mga manonood), marapat lang na bugbugin nila ang promo nito, with all hosts supposedly making the rounds of live shows. Kaso, nitong nakaraan ay isa lang sa mga host ang nagkumpirma ng kanyang promo guesting in a show, but only to make last-minute cancellation!

Ewan kung ano’ng dahilan ng pagkakansela sa guesting, pero huwag magsisihan ang mga host ng bagong programang  ‘yon kung matulad ito sa precursor nito whose ratings ay kulang na lang humalik sa lupa. Baka imbes na “hot” ay malamig ang reception ng mga viewers sa kanila.

ADVERTISING

KULANG NA lang ay magtatag si Dra. Vicki Belo ng mala-Sagip-Buhay Foundation aside from making every human skin and body look beautiful.

Si Lolit Solis na rin ang nagkalat na sinagot ng cosmetic surgeon ang gastos sa kanyang pagsasailalim sa stem cell treatment sa Germany last July, herself (Vicki) having subscribed to this medical breakthrough twice so far.

Bago rito, ang PR head ng Belo clinic noon na si Leah Gatdula ay ipinaospital ni Vicki after she (Leah) suffered a stroke noong nasa Amerika sila on an official business. Vicki also shouldered the air fare ng anak ni Leah upang madalaw at mabantayan ang ina nito sa ospital.

Vicki is again doing an act of charity to Dolphy’s “widow,”  Zsa Zsa Padilla who — at a recent event — tearfully disclosed to the media na meron siyang tumor na malapit sa kanyang kidney. Zsa Zsa needs to be operated on, at sa Amerika posibleng isagawa ang pagpapaopera na sasagutin din ni Vicki.

All this ay hindi sa mismong bibig ni Vicki nanggaling, the recipients of her benevolent  acts are the ones making these in public. If only for  this,  kahanga-hanga ang cosmetic surgeon who has a pure heart, after all.

 

GUMAGAWA NG record sa kasalukuyan ang ating kinatawan sa Miss World 2012 na si Queenierich Rehman.

This early, Quene is in the Number 3 spot next to Miss Thailand and Miss Nepal based on online votes. Ito’y dahil na rin sa kanyang pagpapakitang-gilas, having been chosen as one of the finalists in the Talent (napabilib niya ang audience sa kanyang beatboxing who gave her a standing ovation) at Top Model competitions.

Quene also made it to the Top 40 in the Beach Beauty contest. Inaasahan ang kanyang pagiging consistent high scorer sa mga gaganapin pang kumpetisyon in Sports and Beauty with a Purpose.

Sa patuloy na performance ni Quene, mataas ang expectations ng mga Pinoy that she wil bring home the elusive Miss World crown for the first time. But she needs all the support that she can get to clinch the Multimedia Award which is also up for grabs.

Dagdag puntos ‘yon kapag nakuha ni Quene ang naturang parangal in the overall standing. Mapapanood ang Miss World Pageant this August 18, 5:30 p.m. on TV5 live from Ordos, Inner Mongolia in China.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING