Queenie Padilla at Ejay Falcon, nag-date sa Enchanted Kingdom

Nakatanggap kami ng dalawang litrato kung saan sinasabing nakitang nag-date sina Queenie Padilla and Ejay Falcon sa Enchanted Kingdom recently.

Ang alam namin, e, matagal na silang inili-link sa isa’t isa ng Channel 2. Matagal na rin silang ginagawan ng kilig factor ng mga drumbeaters ng ABS-CBN, pero mukhang hindi nagtatagumpay.

Sabi sa amin ni [email protected], kitang-kita raw niyang very sweet ang dalawa habang rumarampa sa EK kasama ang sister ni Queenie na si Kylie.

After a thorough research (may ganu’n?), nalaman namin na kaya pala nasa Enchanted Kingdom sina Queenie at ang kanyang kapatid, e, para bigyan ng treat si Allih bago umuwi sa Australia.

Nagkataon naman daw na nasa Batangas si Ejay dahil sa isang taping, at dahil pack-up na siya, e, dinaanan na rin niya ang magkakapatid para samahan.

Ewan lang namin kung may interes pa rin si Ejay na ligawan si Queenie dahil sa ginawa niyang pagsama. Pero kung kami ang tatanungin, e, pure friendship lang ang dahilan kung bakit nandu’n ang Mindoro Boy.

Sabi ng isang malapit kay Ejay, hanggang ngayon, e, hindi pa rin daw magawang manligaw ng binata dahil siya pa rin daw ang inaasahan nang matindi ng kanyang pamilya sa probinsiya.

Kailangan daw nitong kumayod to death dahil matindi raw ang pangangailangan nila sa province, kaya malabong magkaroon ng buhay ang lovelife ni Ejay, not in the next two years daw.

O, sabi lang sa amin ‘yan ng isang malapit kay Ejay kaya wala nang magre-react, huh!

PAREHO LANG NG kapalaran ni Ejay si Jhake Vargas ng GMA-7, dahil ang Kapuso actor lang din ang inaasahan ng kanyang pamilya lalo na’t medyo malubha ang sakit ng kanyang ina at kailangan din ng may kalakihang cash para ipagpatuloy ang pagpapagamot sa sakit nito.

Mabuti na nga lang, kahit paano, e, may raket si Jhake at hindi napapabayaan ng GMA-7. Pero sabi rin ng ilang close friends ng bagets actor, e, hindi raw sapat ang kanyang kinikita para sa gastusin ng kanyang pamilya.

‘Yon din daw ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, e, hindi mabigyan ng pansin ni Jhake ang isang girlet na laging nagpapapansin sa kanya sa bakuran ng GMA-7.

Gustuhin man daw ni Jhake na patulan ang girlet na nagpapapansin sa kanya, e, hindi pa rin daw ito makaya ng kanyang konsensiya dahil kailangan din niyang kumayod para sa kanyang pamilya.

KUNG SAKALING HIHINGAN kami ng suggestion, kailangan nilang magtulungan kasama ang buong pamilya. Kailangan hindi lang iasa sa isang ulo ang gastusin ng buong family.

Sa hirap kasi ng buhay, kailangang lahat, e, magtulung-tulong.

Ang alam namin, e, may mga kapatid si Ejay at ganu’n din naman si Jhake. Sana lang, pati sila, e, maghanap ng work para naman kahit paano, e, makahinga nang maluwag ang mga bagets dahil kung hindi, naku, siguradong matatanda na sila, e, hindi pa rin natatapos ang pangangailangan ng kanilang family dahil habang nabubuhay ang tao, e, lagi namang may pangangailangan… pwamis!!!

After years of hibernating sa showbiz, e, sumulpot ulit si Jennifer Lee out of love kay Mel Macasaquit na president and CEO ng Toyz Café.

Sabi sa amin noon ni Jennifer, ayaw na niyang magpa-interview, mag-guest o rumaket sa showbiz dahil nag-quit na siya at nagko-concentrate siya sa kanyang pag-aaral. Pero recently, present siya sa announcement ni Mel na magkakaroon na ng Toyz Café sa Gao, India sa pakikipagtulungan na rin ng kanyang mga Indian partners.

Kasama ni Jen that night ang kanyang boyfriend at mukhang happy naman silang dalawa. Siguro nga, mas masaya si Jen nang wala sa showbiz, kaya goodluck na lang po sa inyo at sana, e, makasama rin kami kapag nag-open na ang nasabing café sa India para masubukan din naming kausapin ang nagkasal kina Robin Padilla and Mariel Rodriguez… biglang ganu’n daw,o! Hek-hek-hek!!!

For reaction, please e-mail [email protected]

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

Previous articlePinoy Parazzi Vol. III Issue #169: September 27-28, 2010
Next articleAlfred Vargas, magpapakasal na!

No posts to display