Puwet ni Marco Gallo ipaglalaban ni Direk Darryl Yap

Leo Bukas

AYON SA direktor ng Ang Manananggal Na Nahahati Ang Puso na si Darryl Yap, ipaglalaban niya sa Viva na huwag putulin ang butt exposure ni Marco Gallo sa kanyang bagong pelikula.

Maging si Marco ay pabor rin na ipalabas ang eksenang nakita ang kanyang puwet habang naliligo sa isang eksena sa Manananggal. Aniya, sayang naman daw ang kanyang effort at lakas ng loob kung puputulin ang eksena.

Puwet ni Marco Gallo ipaglalaban ni Direk Darryl Yap
Marco Gallo

“Bakit ayaw nila? Gusto ko!” natatawa niyang pahayag.

Ayon kay Direk Darryl, ang Viva Artists Agency (VAA) na talent management ni Marco ang ayaw na ipasilip ang pwet ng binata sa Vivamax audience.

“May butt exposure si Marco. Ipinaglalaban ko pa kina Boss Veronique (del Rosario-Corpus, head ng VAA). Ayaw nila, pero inilalaban ko.

“Baka puwede nating ipakita sa tao yung butt exposure. Naliligo siya tapos yung kamera sumusunod sa bula, eh, pumunta sa behind ni Marco. So, abangan niyo.

“Hindi rin handa si Aubrey (Caraan, leading lady ng aktor) diyan sa eksenang ‘yan,” kuwento ng controversial director.

Reaksyon naman ni Marco, “Ipa-viral natin. Sabihin natin, ‘Viva, huwag ninyong i-scene drop.’”

Sa Italy ay hubo’t hubad daw kung maligo si Marco kaya madali lang gawin sa kanya ang naturang eksena.

“Ang Europeans daw, mostly ganoon maligo and they don’t care talaga kasi medyo hindi malisyoso ang mga tao doon. Tinanong ko siya kung gusto niyang mag-plaster. Huwag na raw dahil masakit pa at may maglalagay pa,” sey pa ng direktor.

Ang Manananggal na Nahahati ang Puso ang magsisilbing launching film ng tambalan nina Marco at Aubrey sa Viva. Sa Siquijor kinunan ang kabuuan ng pelikula na mapapanood sa Vivamax.