Puwedeng makipag-date sa kahit sino
Sarah Geronimo at Gerald Anderson, ‘di hawak ang buhay ng isa’t isa!

<b>Puwedeng makipag-date sa kahit sino</b><br> Sarah Geronimo at Gerald Anderson, ‘di hawak ang buhay ng isa’t isa!

<b>Puwedeng makipag-date sa kahit sino</b><br> Sarah Geronimo at Gerald Anderson, ‘di hawak ang buhay ng isa’t isa! HINDI MAIKAKAILANG isa sa mga kinakikiligang tambalan ngayon sina Sarah Geronimo at Gerald Anderson. Kaya naman marami ang umaasam na sana ay maging for real din ang kanilang reel relationship na napanood sa mga pelikulang Catch Me, I’m In Love at Won’t Last a Day Without You.

Nabuhayan ng pag-asa ang kanilang mga fans dahil sa balitang lalong nagiging close ang dalawa who spent Valentine’s Day together. Close din ang aktor sa pamilya ni Sarah. At kung tutuusin ay wala namang nakikitang problema kung sakaling magkaroon ng totoong relasyon sina Sarah at Gerald, dahil pareho silang single gaya ng kanilang sinasabi sa publiko. Kaya naman it’s not surprising kung may lumabas na balitang they are a couple.

Pero ayon kay Gerald nang huli siyang makausap ng The Buzz, “Ako po [ay] nagsasabi sa inyo ng diretso na hindi po talaga kami. Kung maging friends lang kami or maging kami, either way, I’m a very lucky guy. Sobrang special siya talaga sa akin at grabe rin iyong inspirasyon na ibinibigay niya sa akin. Lampas na kami roon sa getting to know each other [stage]. Gusto naming mas makilala pa ang isa’t isa. Sobrang napakasuwerte ko talaga na nakilala ko siya.”

Pero sabi nga, you cannot please every-body. Kung may mga taong gusto silang magkatuluyan ay mayroon din namang ayaw. May mga Kimerald diumano na tutol sa pagkakamabutihan nina Sarah at Gerald. Nagpadala pa raw ang mga ito ng hate e-mails at pagbabanta kay Sarah. Sinabi ni Gerald na napagdaanan na niya ang ganitong klase ng sitwasyon at expected na rin niya kung mangyari man ito.

At hindi rito nagtatapos ang pagsubok sa magandang relasyon ng dalawa dahil pumutok naman kamakailan na may bago raw dine-date ngayon si Gerald. There was a blind item in the entertainment blogsite Fashionpulis.com about an actor who was spotted with another girl. Kung pagbabasehan daw ang mga komento sa blind item at sa litrato, ang tinutukoy ay si Gerald.

Although the rumor is just a rumor, both Sarah and Gerald gave their sides on the issue. Sabi ni Sarah, “Wala naman po kaming karapatan sa isa’t isa. Wala rin naman akong karapatang magselos kung halimbawang may ma-link sa kanya kasi single siya, single ako. So bahala na kung anong mangyayari sa amin.”

“No pressure po talaga. Wala akong karapatang pigilin siya kung may gusto siyang i-date and vice versa. I am single. Si Sarah is single. We’re just happy kung ano iyong relationship namin as friends,” paliwanag naman ni Gerald.

 

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda