Puro daldal lang?! Annabelle Rama, ‘di sumipot sa hearing ng kaso nila ni Nadia Montenegro!

Puro daldal lang?! Annabelle Rama, ‘di sumipot sa hearing ng kaso nila ni Nadia Montenegro!

Puro daldal lang?! Annabelle Rama, ‘di sumipot sa hearing ng kaso nila ni Nadia Montenegro!  HINDI DUMATING SI Annabelle Rama sa hearing ng kaso nila ni Nadia Montenegro sa Quezon City Regional Trial Court kahapon, November 15.

“Kung anuman ang mga sinasabi niya sa akin, I really don’t care. Basta ang lahat, nasa korte na at alam naman ng mga tao kung anong klase siya, ‘di ba?” Panimula ni Nadia Montenegro sa Pinoy Parazzi nang kausapin namin siya.

Limang kaso na ang naisasampa ni Nadia laban kay Tita Annabelle. “At ito ay ang Child Abuse, Oral Defamation, Falsification of Public Documents, Libel on Twitter, and last ‘yung Libel on TV,” sabi pa ni Nadia.

Ayon pa sa kanya, hindi niya uurungan si Tita Annabelle sa anumang laban lalo pa at ito ay idadaan sa korte. “Ngayon malalaman ng publiko kung sino sa amin ang nagsisinungaling. Dahil ako, lahat ng mga demanda ko sa kanya with documents.

“It’s too personal… ang mga bira niya sa akin. Siguro ganu’n lang naman talaga siya. Kaya kung mapapansin n’yo, hindi ako lumalabas at nagpapainterbyu. Kasi mga anak ko na ang isyu rito at hindi na ito laban ko. Feeling ko kasi, masyado na niyang tinatapakan ang buong pagkatao ng mga anak ko. Ang dami-dami niyang sinasabi laban sa aming pamilya na below the belt na talaga, at hindi ko ito papayagan.”

At sa away nina Annabelle at Nadia, lumutang ang pangalang Daisy Romualdez, kung saan ay si Mama Daisy raw ang nanunulsol kay Nadia na kalabanin si Annabelle. “Hindi naman ako ang klase ng tao na nasusulsulan. Walang nanunulsol sa akin. Kung ano man itong ginagawa ko, ito lang ang talaga ang nararapat, at kahit na sinong magulang ay gagawin ito para ipagtanggol ang kanilang anak.”

Bukod kay Tita Daisy, sangkot na rin si Ruffa Gutierrez sa usapin. “Nag-text siya sa akin at hindi maganda ‘yung mga sinasabi niya against me. Ang masasabi ko lang, hindi ako nakikipag-away sa kanila, dahil ang sa akin ay kung ano lang ang katotohanan. Now kung sumasali si Ruffa, ewan ko sa kanya, bakit ganu’n?”

Palala nang palala ang away nina Annabelle at Nadia. Dahil sina Daisy at Ruffa ay sangkot na sa usapin at wala raw dapat ikatakot si Nadia sa mag-inang Ruffa at Annabelle.

“Sasampalin ako ni Annabelle? Sige, gawin niya!” kontra hamon ni Nadia laban kay Bisaya.

 

SA PICTORIAL NG pelikulang Yesterday Today and Tomorrow, nakausap namin si Gabby Concepcion. At ayon sa aktor, hindi siya nakikialam sa personal na buhay ni KC Concepcion.

“Actually ‘pag nagkikita kami, masaya kami. Wala kaming dull moments at hindi namin pinag-uusapan ang tungkol sa aming work. Ang pinagkukuwentuhan namin, ‘yung pagiging mag-ama namin,” pahayag ni Gabby na natawa sa isyung may kinalaman daw sa gender ang dahilan nang hiwalayan nina Piolo Pascual at KC.

“Matagal na akong nakakarinig ng mga ganyang issue, pero ayokong patulan. I mean unfair naman siguro ‘yun kay Piolo, para sabihing ganu’n, ‘di ba? Siguro kung anuman ‘yung dahilan, kung totoo ngang hiwalay na sila, eh, hayaan na lang natin sila. It’s too private na ‘yan.”

Samantala ikinuwento ni Gabby na excited siyang makasamang muli si Maricel Soriano. “Nagkasama na kami sa Yesterday, Today and Tomorrow, pero ibang klase itong amin ngayon. Kumbaga dati kasi, triology. Pero ngayon, magkakasama kami in one movie, pero magkakaiba ang aming mga kuwento.”

Sa kabuuan, sinabi ni Gabby na ang pinirmahan niyang kontrata sa Channel 5 ay non-exlusive na ang ibig sabihin ay puwede pa siyang gumawa ng mga project sa Channel 7 or Channel 2. “Masmaganda ‘yung ganu’n, ‘di ba? Mas maraming projects, mas masaya,” pagwawakas ng aktor sa Pinoy Parazzi.

 

More Luck
by Morly Alinio