Pumirma na sa Viva: Ryza Cenon, lalayasan na nga ba ang GMA-7?

ADVERTISING

Pumirma na sa Viva: Ryza Cenon, lalayasan na nga ba ang GMA-7?TRENDING SA HAPON ang Ika-6 na Utos, ang teleseryeng pinagbibidahan nina Sunshine Dizon, Gabby Concepcion at Ryza Cenon. Masasabi natin na ito ang biggest break ng Starstruck 2 Ultimate Princess. Bongga naman kasi ang portrayal ni Ryza bilang lukaret na si Georgia. Noong una nga’y duda pa kami sa kakayanan nitong makipag-sabayan kay Sunshine, which we consider as one of the best pagdating sa teleserye acting.

Buti na lang at ginalingan talaga ng sexy actress at nakipag-showdown din!

Ang latest tsika ay nanganganib daw na layasan ni Ryza ang Kapuso network dahil after twelve years ay babu na ito sa GMA Artist Center. Pumirma ang dalaga ng contract sa Viva, pero nilinaw naman nito na management team lang ang nilayasan niya. She will remain a Kapuso.

Nang tanungin naman kung may influence ang boyfriend niyang si Cholo Barretto, agad naman niyang dinipensahan ang binata. Aniya, walang sey ang dyowa sa kanyang career move and she wants to explore more. Gusto nitong gumawa ng mas marami pang proyekto like movies.

ADVERTISING

Sa totoo lang, we think this is a good move on Ryza’s part. Nakatulong ang pagsali niya sa QCinema Film Festival last year para gumanap bilang sexy manananggal sa pelikulang Ang Mananananggal sa 32-B, kung saan din niya na-meet si Cholo. Matagal din naman nag-tiyaga at naghintay si Ryza para mapansin din siya finally ng Kapuso network.

Mukhang hindi pa matatapos ang Ika-6 na Utos at pakiramdam namin ay may tsansang ma-extend pa ito ng ma-extend na parang sinapit ng The Half Sisters nina Barbie Forteza at Thea Tolentino noon.

 

ADVERTISING