PUMIRMA NA SA VIVA! Kylie Verzosa, tuluy-tuloy na ang pag-aartista!

ADVERTISING

PUMIRMA NA SA VIVA! Kylie Verzosa, tuluy-tuloy na ang pag-aartista!

PUMIRMA NA SA VIVA! Kylie Verzosa, tuluy-tuloy na ang pag-aartista!
Kylie Verzosa

NABINYAGAN na si 2016 Miss International Kylie Verzosa sa pag-arte sa MMFF entry na Ang Panday na pinagbibidahan ni Coco Martin. Bagama’t ang ilan ay hindi solve sa acting na ipinakita ni Kylie, aminado naman ang beauty queen na marami pa talaga siyang dapat matutunan.

“First time kong umarte sa Ang Panday, buti nga po may dialogue pa, eh. Sa mga nagsasabi naman na hindi pa ako marunong umarte, aminado naman po ako doon.

“Baguhan lang po ako. Bagong mundo yon for me but I’m very much willing to learn. Lahat naman po siguro puwedeng pag-aralan, kahit yung pag-arte,” katwiran ni Kylie.

Si Kylie ay nasa pangangalaga  na ngayon ng Viva Artists Agency (VAA) at kamakailan lang ay pumirma siya sa kompanya nina Boss Vic at Veronique del Rosario ng exclusive contract.

ADVERTISING

Inamin din  ni Kylie na tuloy-tuloy na ang kanyang pagpasok sa showbiz at pag-aartista lalo na ngayong Viva artist na siya.

“Sa Viva kasi po, parang alam ko po na makakatulong sila sa akin, sa career ko, and aligned din naman po ‘yung gusto ko sa gusto nila,”  sambit ni Kylie.

Pero iginiit ng beauty queen na kahit nag-aartista na siya ngayon ay hindi pa rin niya iiwan ang mga advocacies na kanyang nasimulan.

 

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING