PROUD SHOUT OUT! Paolo Ballesteros: ‘I’m a lady!’

ADVERTISING

PROUD SHOUT OUT! Paolo Ballesteros: ‘I’m a lady!’

PROUD SHOUT OUT! Paolo Ballesteros: ‘I’m a lady!’
Paolo Ballesteros

NAKAKAHINGA na ngayon nang maluwag at magaan na ang pakiramdam ni Paolo Ballesteros, bida ng pelikulang The Panti Sisters, ngayong lantaran na niyang inaamin ang tungkol sa totoo niyang sexual preference.

“Oo. Mas gumaan, ha-ha-ha,” reaksyon niya.

      Wala rin daw siyang pakialam ngayon sa kung ano man ang iisipin ng mga tao sa kanya.

 “Eh, kasi ano na ako, eh, I’m old enough. I’m a lady, alam mo ‘yon. Ha-ha-ha. It doesn’t matter kung ano yung (iisipin nila). Nung una, siyempre meron pa ring (worries), pero ngayon wala na,” pahayag pa ng aktor.

ADVERTISING

Iginiit din ni Paolo na hindi dapat gawing big deal kung ano man ang kanyang sexual preference.

“Hindi naman naging issue sa akin kung ano ba ako. Ginagawa ko lang yung work ko, hindi naman ako nagpapa-girl sa normal na buhay… Alam ko, alam nila who I am.

      “Nakakatuwa kasi pag nagpapa-girl, nae-excite yung mga tao. Pero it’s not about who I am, eh, kasi alam ko alamnaman nila who I am,” sambit pa niya.

   

PROUD SHOUT OUT! Paolo Ballesteros: ‘I’m a lady!’
Christian Bables, Paolo Ballesteros and Martin del Rosario in ‘The Panti Sisters’

  Katulad daw ng director ng The Panti Sisters na si Jun Lana at ng partner nitong si Direk Perci Intalan, ay gusto rin ni Paolo na magkaroon ng lifetime partner.

“Siyempre, gusto ko yung may kasama sa buhay, may lovelife. Siyempre, hindi yon babae, ha-ha-ha,” diin pa niya.

Ang The Panti Sisters ay ipalalabas sa Sept. 13 bilang isa sa mga kalahok sa Pista Ng Pelikulang Pilipino.

 

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING