PROMISING DRAMA QUEENS: Sampalan nina Bianca Umali at Kyline Alcantara sa Kambal Karibal, malupit!

ADVERTISING
PROMISING DRAMA QUEENS: Sampalan nina Bianca Umali at Kyline Alcantara sa Kambal Karibal, malupit!
Bianca Umali and Kyline Alcantara of Kambal Karibal

 

FIRST TIME kong manood ng Kambal Karibal kagabi. Sa mga hindi nakakaalam (hindi ito masyadong na-promote ng GMA-7 kaya nakakapanghinayang), ito ang isa sa primetime series ng Kapuso network na pinagbibidahan nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix o BiGuel. Ito ang isa sa mga loveteam na pilit na pinipush na in fairness, may chemistry naman.

Maliban sa BiGuel, bentahe rin bilang bida-kontrabida si Kyline Alcantara as Cheska, ang bratty girl na sinaniban ng kaluluwa ng original sister ni Crisan (Bianca Umali) na si Crisel (Pauline Mendoza). In short, nasa katawan ni Cheska ngayon si Crisel dahil dream ng huli na maging isang ganap na mortal.

Kagabi ay pinalipat-lipat ko ang channel at sa wakas ay nakanood ako ng episode ng programang ito. Naabutan ko ang eksena kung saan nagkaroon ng confrontation ang kambal. Medyo may inggit factor kasi si Crisel kay Crisan kaya ginawan niya ito ng masama habang nakasanib sa katawan ni Cheska.

Dahil close silang magkapatid, napagtanto ni Crisan na ang debutante na galit nag alit sa kanya ay hindi si Cheska kundi si Crisel.

ADVERTISING

May sampalan at sumbatan scene sina Bianca at Kyline. Matagal na akong bilib sa kagandahan at galing sap ag-arte ni Bianca (na feeling ko ay mas bobongga ang career kung ipapares sa mas matured na leading man). Wala ako masyadong alam sa background ni Kyline except na dati siyang Kapamilya kaya super impressed ako sa performance niya. Napakahusay ng dalawang dalaga! Bravo!

Dahil dito, mukhang ang Kambal Karibal na ang papanoorin ko lalo pa’t hindi na ako masyadong nae-entertain sa katapat nitong programa.

Aabangan ko ang pag-usbong pa ng karera nina Bianca at Kyline. Sana ma-groom sila ng maayos at hindi matulad sa ibang Kapuso leading ladies na nasasayang lang ang talent at beauty. That’s all!

 

ADVERTISING