Production, walang magawa: sikat na aktres, inabot ng umaga ang taping sa pagkabanong umarte?!

ADVERTISING

INABOT NG 9 a.m. ang taping ng isang sikat na aktres. Pagod na ang buong production, pero hindi naman sila makaangal dahil kailangang tapusin ng aktres ang isang eksena.
Imbiyerna na ang direktora. Hindi pa kasi makuha-kuha ng aktres ang gusto niyang acting. Ayaw na ayaw kasi ng director ng soap acting kaya piniga talaga niya ang kanyang lead actress.
Naimbiyerna na rin ang young actress. Feeling niya ay pinag-iinitan na siya ng director. Nagbanta pa nga raw ito na magsusumbong sa kanyang manager para masermunan siguro ang direktora.
Sa wakas ay nagawa rin ng sikat na aktres ang ipinapagawa sa kanya. Kaya lang, inabot na sila ng umaga sa taping.
Da who ang aktres na hindi makuha ang gustong acting ng kanyang director? Naku, sikat siya ngayon at ang daming fans na nang-aaway.

(By Alex Brosas)

ADVERTISING
ADVERTISING