Problemadong actor, ‘di makalabas sa bar dahil sa utang na P2,500

ADVERTISING

BLIND ITEM: Ikinagulat ng former president ng PMPC ang paglapit sa kanya ng isang artista na may problema raw, kaya kinausap naman niya ito sa isang sulok para walang makarinig ng problema ng actor.

‘Yun palang problema ng actor ay hindi makaalis dahil may utang daw ito na P2,500 sa isang bar at wala daw yatang dalang pera, kaya dinala ng former president na ito sa kasalukuyang pangulo ng club.

ADVERTISING

Binayaran na lang para wala nang problema at nalaman na lang later na binabantayan ng mga security ng hotel ang nasabing artista hanggang hindi siya nakababayad.

Sino siya? Ask ninyo si former president ng club.

By Gerry Ocampo

ADVERTISING
ADVERTISING