Problemado sa kundisyon ni Tita Angge
Sylvia Sanchez, sa asawang si Art Atayde humuhugot ng lakas ng loob

Problemado sa kundisyon ni Tita Angge Sylvia Sanchez, sa asawang si Art Atayde humuhugot ng lakas ng loobSimple Lang ang mensahe ng kaibigang Sylvia Sanchez na naka-post sa Facebook account niya sa picture na nai-post niya last Thursday night, March 10, kung saan sinalubong nila ng mga anak niya at mga kaibigan ang birthday, March 11, ng pinakamamahal niyang mister na si Papa Art Atayde.

Sa short message in Ibyang (tawag naman kay Sylvia Sanchez), “Ang tanging gusto ko lang ay ang mahalin ka, alagaan ka at makasama ka habangbuhay! Maligayang kaarawan, mahal kong asawa.”

Short, direct to the point, pero siksik sa hugot. Kung eksena lang ito marahil ni Ibyang sa kanyang teleserye, aagos na ang mga luha kasabay ng mga linyang bibitawan niya tulad ng personal niyang mensahe sa asawa.

Sa kasalukuyan, nasa alanganing estado si Ibyang. May pangamba, lalo pa’t ang pinakamamahal niyang manager na si Tita Angge (Tita A ang tawag ko sa kanya) ay nasa ICU pa rin ng Cardinal Santos Medical Center, na mula nang inatake sa puso last week, magpasahanggang ngayon ay nasa state of comatose pa rin.

Mahal ni Ibyang si Tita Angge. Nanay ang turing niya. Si Tita Angge kasi ang pumanday kung ano man ang estado ngayon ng aktres sa kanyang showbiz career.

Sa panahon na problemado pa rin si Ibyang sa sitwasyon ni Tita Angge, nand’yan si Papa Art na palaging nakasuporta sa kanya.

Sa pinakamamahal niyang asawa humughugot si Ibyang ng lakas ng loob, bukod siyempre sa mga anak nilang sina Arjo, Ria, Gela, at Xavi.

Minsan, sa isang kapihan namin ni Ibyang sa bahay niya, naikuwento niya ang pinagmulan niya, na mula sa Mindanao hanggang sa marating niya ang Maynila at nakipagsapalaran at nadapa, bumangon at ngayon ay matibay na ang tindig, kaagapay niya ang mister sa mga plano niya sa buhay.

Kung hindi nga lang magmamaramot si Ibyang na ibahagi sa publiko ang kuwento ng personal niyang buhay at ang love story nila ni Papa Art, malamang top rater episode ng MMK ang pagsasadula ng buhay ng kaibigan naming ito at ng asawa niya.

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleMiss Universe Pia Wurtzbach, balik-Pilipinas sa Abril
Next articleKris Aquino, pansamantala lang daw ang pamamaalam sa showbiz

No posts to display