• Usapang Paratsi
  • Parazzi Made
  • Parazzi Scandals & Exclusives
  • Opinion
  • Blind Items
  • Parazzi Videos
Sign in
Welcome!Log into your account
Forgot your password?
Password recovery
Recover your password
Search
  • About
  • Advertise With Us
  • Contact
Sign in
Welcome! Log into your account
Forgot your password? Get help
Password recovery
Recover your password
A password will be e-mailed to you.
Pinoy Parazzi
  • Usapang Paratsi
  • Parazzi Made
  • Parazzi Scandals & Exclusives
  • Opinion
  • Blind Items
  • Parazzi Videos
Home Opinion Atorni First

Problema sa Pagbabayad ng Utang

By
Atty. Persida Acosta
-
February 27, 2015

Problema sa Pagbabayad ng Utang

Dear Atty. Acosta,

 

MAY PROBLEMA po kasi ang tita ko dahil po sa utang. Nag-issue po siya ng tseke sa financer. Tuwing magre-release siya, tseke po ang ibinibigay niya. 8 percent po interest monthly, 3 months to pay. Inabot po ng P550,000.00 ang utang ng tita ko pati na po interes. Pina-close po ng tita ko ang checking account niya para po hindi na siya ma-charge ng bank. Handa naman pong magbayad ang tita ko. Kung hindi po ba makakatupad ang tita ko na bayaran ang utang niya, makukulong po ba siya kahit po nakikipag-usap siya sa financer at hindi niya po tinatalikuran ang kanyang utang? Anu-ano po ba ang dapat gawin ng tita ko para po hindi umabot sa ganoong sitwasyon? Maraming salamat po.

 

Aileen

 

Dear Aileen,

 

KUNG HINDI tumupad ang tita mo sa pagbayad ng utang niya, ipapapalit na o ipi-prisinta na ang kanyang tseke sa bangko. Dito malalaman na at matatatakan ng “closed account” ang tseke.

Ang pagpapatigil o pagpapasara ng “checking account” ng iyong tita ay magiging dahilan ng pagtalbog nito sa oras na ito ay ipapalit o ipa-encash sa bangko. Dahil dito, maaaring ireklamo sa paglabag sa Batas Pambansa Bilang 22 (BP22) ang iyong tita. Ipinagbabawal ng batas na ito ang pag-iisyu ng talbog na tseke. Ito rin ay nagtatakda ng karampatang kaparusahan na pagkakulong at/o multa ng sinumang lalabag dito.

Subali’t kung ang nasabing tseke ay ipina-encash o ipinapalit sa bangko pagkaraan ng 90 araw, mula sa petsa ng pagka-isyu nito, ang nasabing transaksyon ay hindi na saklaw ng nasabing batas. Kung magkaganu’n, hindi na mapaparusahan ang taong nag-isyu ng tseke sa sandaling ito ay tumalbog, kung ito ay hindi pinasuklian sa bangko sa loob ng nasabing panahon. Ngunit hindi naman ito nangangahulugan na wala na siyang obligasyong bayaran ang halaga na nakalagay sa nasabing tseke.

Kung ganito ang sitwasyon ng iyong tita, maaari pa rin siyang masampahan ng kaso, subalit ito ay kasong sibil na lamang para maobliga siyang bayaran ang kanyang utang. Kung siya naman ay nagbabayad na, maaaring maging walang saysay ang paghahain ng kasong sibil sa korte sapagkat siya ay nagbabayad naman na.

Kaugnay nito, mas makakabuti pa ring ipagpatuloy na lamang ng iyong tita ang pagbabayad niya ng kanyang utang upang hindi na humantong pa sa korte ang paniningil sa kanya.

Atorni First
By Atty. Persida Acosta

Viber
Twitter
Facebook
Pinterest
WhatsApp
ReddIt
Telegram
LINE
    Previous articleBakasyon Grande Feels
    Next articleMRT-RIP!
    Atty. Persida Acosta

    RELATED ARTICLESMORE FROM AUTHOR

    Problemado sa Isinanglang Bahay at Lupa

    Binabawi ang Namanang Bahay at Lupa

    Anak sa Labas, Naghahabol ng Mana

    LATEST NEWS

    Solenn Heussaff, humingi ng tawad sa ‘poverty porn’ promo photo ng...

    Photostories March 5, 2021

    VLOG WATCH: BTS / BT21 / TinyTAN Haul by Arci Muñoz...

    Photostories March 4, 2021

    Angelu de Leon, ni-research ang love story ng JoshLia pagkatapos mapanood...

    Photostories March 4, 2021

    4th EDDYS tuloy ang pamimigay ng awards kahit pandemya

    Photostories March 4, 2021

    EXTENDED NA NAMAN!‘Ang Probinsyano’ ni Coco Martin hindi pa tatapusin sa...

    Photostories March 4, 2021

    News about the famous people from the Philippines.

    Pinoy Parazzi Philippines
    Unit 345 – 346, 3/F, Peninsula Centre
    No. 67 Mody Road
    Kowloon, Hong Kong
    Contact us: contact@pinoyparazzi.com

    LATEST NEWS

    Things You Didn’t Know About Tanya Garcia-Lapid

    Photostories February 26, 2021

    VLOG WATCH: Yeng Constantino covers ‘Goodbyes’ by Post Malone

    Photostories February 25, 2021

    Paano ba nagsimula ang love story nina Barbie Imperial at Diego...

    Photostories February 25, 2021

    Brenda Mage hindi nganga sa pandemic dahil sa Youtube

    Photostories February 24, 2021

    Sharon Cuneta magni-ninang sa kasal nina Ara Mina at Dave Almarinez

    Photostories February 24, 2021

    POPULAR CATEGORY

    • Usapang Paratsi4621
    • Photostories2956
    • Reyted K2829
    • Lex Chika1645
    • Blind items1640
    • John's Point1276
    • La Boka1164
    • Past Issues1054
    • Mga Mata ni Lolita923
    • Oh. C’mon!747
    • Ayaw Paawat741
    • Point of Boy731
    • Shooting Range727
    • Pepperoni724
    • Disclaimer
    • Privacy Policy
    • Contact Us
    • About Us
    Copyright © 2021 · Pinoy Parazzi.