PROBLEM SOLVED: Sanya Lopez, sinuportahan si Jerico Estegan sa ‘Amalanhig’

ADVERTISING

PROBLEM SOLVED: Sanya Lopez, sinuportahan si Jerico Estegan sa 'Amalanhig'

PROBLEM SOLVED: Sanya Lopez, sinuportahan si Jerico Estegan sa 'Amalanhig'
Sanya Lopez and Jerico Estregan

AT FIRST, akala ko ay deadma ang magandang si Sanya Lopez sa pelikulang Amalanhig kung saan siya ang leading lady ng bida na si Jerico Estregan na nagkaroon ng red carpet premiere last night at the Robinsons Galleria.

 
During the presscon at mga promotion ng pelikula, solo flight lang si Jerico  sa pagpu-push ng pelikula nila at ang mga tao ay hinahanap siya.
 
Ang tsismis kasi, ayaw diumano ng kampo ni Sanya na andun ang presence niya during the promotion.
 
In short, ayaw ng current management company na nagha-handle sa kanyang career ngayon na umapir siya at tumulong sa promo dahil the project was a job from the past ng magandang si Sanya noong nagsisimula pa lang siya.
 
But ang mahalaga, at last night’s preem ay hindi pinabayaan ng dalaga ang pelikula nila ni Jerico na nagbigay sa kanya ng magandang break (as the leading lady of Jerico), kahit noong ginagawa nila ang suspense-horror film na ito ni Direk Jun Posadas na released ng Viva Films.
 
At the premiere night dumating to give support ang kapatid ni Sanya na si Jak Roberto. Present din syempre ang parents ni Jerico na sina dating Laguna Gov. ER Ejercito at Maita Sanchez
 
Ang horror film deals with a folklore character na “Amalanhig” na alam nang naturang myth ng mga taga-Iloilo in Panay Island na half-zombie and half-vampire ang peg.
 
PROBLEM SOLVED: Sanya Lopez, sinuportahan si Jerico Estegan sa 'Amalanhig'
Sanya Lopez and Jerico Estregan

May gulat at takot ang pelikula na sina Jerico at Sanya ay mga students from the city na sa kagustuhan malaman ang kuwento ng “amalanhig” ay nagtungo sa lugar kung saan nagsimula ang naturang kuwento form their school research.

 
On the side, when I was taking Sanya and Jerico’s photos pansin ko na maganda sila tingnan as a couple. Sanya and Jerico are both single.
 
Can they be special friends in case magkagustuhan off-cam? Why not at walang masama.
 
Today, Wednesday Sept. 20 ay showing na ang pelikula sa mga sinehan nationwide.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING