Privilege speech ni Sen. Bong Revilla Jr., usap-usapan pa rin

ADVERTISING

Privilege speech ni Sen. Bong Revilla Jr., usap-usapan pa rin

2 Bong-RevillaNAKU! PINAG-UUSAPAN pa rin ang privilege speech ni Sen. Bong Revilla nu’ng nakaraang Lunes, ha!

Suportado siya ng buong pamilya at mga malalapit na kaibigan sa showbiz at pulitika.

Pati mga kapartido at mga political leaders sa Cavite ay dumating para magbigay ng suporta sa kanya.

Matindi nga ang mga pasabog niya na siyempre sinagot ng Malacañang.

ADVERTISING

Pero marami ang pumuri sa kanya at ang iba nga ang naiyak sa tagpong umiiyak na ang dating Sen. Ramon Revilla Sr.

Lalo na nu’ng yumakap si Sen. Bong sa daddy niya, humagulgol na nang iyak si Mang Ramon.

Sa totoo lang, marami ang nagulat sa mga sinabi ni Sen. Bong kaya tiyak na marami na naman ang babatikos sa kanya. Pero ganu’n talaga. Kapag hindi ka gusto, kahit anong gawin mo, hindi ka talaga nila magugustuhan.

Basta karamihan sa mga narinig ko, very positive ang feedback at marami ang pumuri sa kanya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING