VERY PRIVATE: Lovi Poe, ayaw pag-usapan kung live-in na ba sila ng French BF

ADVERTISING

VERY PRIVATE: Lovi Poe, ayaw pag-usapan kung live-in na ba sila ng French BF

VERY PRIVATE: Lovi Poe, ayaw pag-usapan kung live-in na ba sila ng French BF
Lovi Poe

MALAKI ANG PAGHANGA ni Lovi Poe sa kasamahang artista na si Nadine Lustre nang maipit ito sa isyu tungkol sa “live-in” na para sa iba na nagpapaka-ipokrita, uncalled daw ang statement ng dalaga kung sakaling ganun man ang set-up nila ng boyfriend na si James Reid. But for me, keber as long na wala silang nasasagasaan.

 
Sa panahon na iba na ang takbo ng isip ng mga millennials, bahala ka kung hindi ka pa sumasabay sa agos sa panahon na ang “sex” ay kaswal lang na para ka lang nagkakape sa umaga na idadaan mo sa paligo na mawawala ang laway na idinila sa katawan mo ng kapareha as long alam mo ang pag-iingat at consequences ng ginagawa mo.
 
Kaya ang madaming kabataan ang nabubuntis sa panahon ngayon dahil ginagawang bobo ng pamahalaan at ng simbahan ang mga kabataan. Ewan ko kung bakit ayaw i-push ang sex education at paggamit ng condom at mga contraceptives.
 
Pero para kay Lovi ay matapang si Nadine: “I really admire her the fact that she’s very honest.”
 
Pero huwag ma-misinterpret ng iba na ang paghanga ng aktres kay Nadine at inunahan na niya na ayaw niya pag-usapan ang ibang detalye ng relasyon nila ng French boyfriend niya na si Chris Johnson.
 
“Wala, I really don’t want to say anything because I want to keep things private,” pahayag ng sexy actress sa media launch ng kanyang first comedy film na “Woke Up Like This” kung saan si Vhong Navarro ang kanyang kapareha.
 
VERY PRIVATE: Lovi Poe, ayaw pag-usapan kung live-in na ba sila ng French BF
Vhong Navarro and Lovi Poe

Pero kung follower ka ni Lovi ng kanyang social media accounts, looking at the photos na naka-post ay nakapambahay lang ang boyfie niya habang nagluluto, meaning isang “overnight” guest si Chris?

 
During the presscon, ayaw napagusapan ng sexy actress ang tungkol sa kanila ng karelasyon.
 
Pagkukuwento niya: “Just because we’re public figures doesn’t mean that we have to be an open book to everybody, ‘no! Whatever it is, I always said I want to be a private person. He’s a private person, ganun na lang. Chill lang naman siyang tao,” sabi ni Lovi.
 
 Sa pelikula, ang sexy actress ay kabaligtaran ng image niya. “Sa movie naging lalaki ako. Yong character ni Vhong ay naging ako. Nagpalit kami,” natatawang kuwento ni Lovi sa kanyang karanasan.
 
Isang happy at laugh trip movie ang “Woke Up Like This” na dinirek ni Joel Ferrer. Kasama sa pelikula nina Lovi at Vhong sina Yana Asistio, Dionne Monsanto, Raikko Matteo at ang charming na si Cora Waddell.
 
Sa August 23 na ipapalabas ang pelikula na produced ng Regal Films.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING