Princess Velasco, rumaraket!

May bagong raket pala si Princess Velasco. Princess who? Si Princess Velasco, ‘yung isa sa main lead sa Hayden Kho-Katrina Halili-Maricar Reyes-Brazilian Models sex video scandal. Wala siya sa sex video collection ng ex-boyfriend ni Dra. Vicki Belo, pero malaki ang papel niya sa diumano’y pagkalat ng mga scandalous video sa Internet. No. Hindi siya ang nagpakalat ng videos.

Eh, sino nga ba si Princess Velasco? Flashback tayo. Girlfriend ni Bistek Rosario si Princess. Best friend naman ni Hayden si Bistek. Si Bistek naman ay close friend ni Eric Chua – ang itinuturong mastermind ng pagkalat ng sex videos ni Hayden.

Ang kuwento, naka-one night stand ni Hayden si Princess nang minsang nag-inuman sila. Nabuking ‘yon ni Bistek. Natural, nagalit ito. Sino ba naman ang hindi kukulo ang dugo sa gano’n? Paano naman nakilala ni Hayden si Princess? Naging institutional marketing manager ng Belo Medical Group si Princess.

Dahil sa ‘naiputan’ nga naman si Bistek ni Hayden, tuluyan nang nasira ang pagkakaibigan nila. At sa mga naglabasang mga tsismis at balita, nagkuntsaba sina Eric at Bistek na ikalat ang sex videos ni Hayden nang mapasakamay nila ito. Paano naman napunta sa dalawa ang videos? Inutusan umano ni Dra. Vicki itong si Eric na kunin ang laptop ni Hayden nang mabisto nito ang affair ng boyfriend kay Princess. Pero nang mabuksan ang laptop, mas marami pa palang sikreto si Hayden na mabubuking ni Dra. Belo. At ang mga ‘sikretong’ ‘yon ay napapanood na sa Internet, sa cellphone, at sa DVD.

Balik sa bagong raket ni Princess. Acoustic singer pala ito. At mahusay siyang maggitara, in fairness.

Nang mag-guest siya sa isang Cable TV show, naispatan natin si Princess.

Pero never siyang magbibigay ng anumang komento tungkol sa Hayden sex video scandal. Mas gusto kasi niyang pag-usapan ang kanyang bagong album (na nakalimutan namin ang title). Tiyak na magiging visible si Princess sa mga darating na araw dahil kailangan niyang i-promote ang bagong album. Ewan na lang namin kung makalulusot pa siya sa showbiz press ‘pag inungkat ang involvement niya sa Hayden Kho sex video scandal.

by Eric Borromeo

Previous articleHulicam: Ana Capri, papalit-palit ng foreigners?
Next articleMarian’s Will on the Catwalk

No posts to display