Princess Ryan, itinanggi ang pagbubuntis!

Princess Ryan, itinanggi ang pagbubuntis!

Princess Ryan, itinanggi ang pagbubuntis!MARAMING MGA ISPEKULASYON ang lumabas sa tunay na dahilan ng pag-alis sa showbiz pansamantala ni Princess Ryan. Una na naming naisulat dito na ang pagkuha niya ng kanyang American citizenship ang nag-udyok sa kanya upang talikuran muna ang showbiz nang ilang buwan upang personal na asikasuhin ang mga kakailanganing papeles.

Pero hindi talaga mamatay-matay ang isyung nagdadalan-tao raw ito. Isang malapit na kaibigan ni Princess ang aming tinanong at ang sabi nito, “’Yun nga po ang nabalitaan ko. Buntis nga raw courtesy ng isang modelo. Pero ‘yan ay hindi kumpirmado at ispekulasyon din lang.”

Kaya naman sa pamamagitan ng Face-book, kinuha namin ang side ni Princess. Una naming tanong, once and for all, buntis ka nga ba? Ang sagot ni Princess sa amin thru FB messaging, “Hahaha, kung totoo, malalaman n’yo rin naman eh, pero hindi po talaga totoo.”

Wala raw talagang katotohanan ang mga isyu. “Ang daming magagandang nangyayari sa buhay ko ngayon. Super priority ko’ng family ko, lalo na’t malapit nang mag-retire dad ko at sabay kaming uuwi d’yan after Christmas. Permanent na siya d’yan kaya buo na’ng family ko. Pag-uwi ko, one on one tayo para maikuwento ko sa ‘yo lahat ng excitement sa buhay ko. By the way, dual citizen na ako sa wakas!!! Malay natin, pag-uwi ko may American boylet na ako… haha!:) thanks for keeping in touch… muwah!”

So ayan ha, maliwanag, hindi nagdadalan-tao si Princess, kundi nagdu-dual citizenship lang.

 

SA ISANG EVENT last week, nakausap namin nang mahaba-haba si Diether Ocampo at marami siyang mga nilinaw na issues. Una na nga rito ang tungkol sa diumano’y tampuhan nila ni Kris Aquino na naging malapit niyang kaibigan.

Nagulat pa si Diet tungkol sa isyu pero nagpaliwanag naman siya. “Na naman?! Hindi, actually ka-text ko siya, nasa Leyte siya ngayon dahil meron siyang show I think babalik siya bukas, alam na alam schedule… (laughs) hindi, we keep in touch. It’s nice to know na after all this years hindi nawala ‘yung maganda naming pagkakaibigan, isa siya sa pinakamalapit kong kaibigan sa industriya kaya ‘wag n’yo pong bigyan ng kulay.”

Pangalawa naming nilinaw sa kanya ay ang tungkol sa kanyang lovelife. Matapos kasi ang hiwalayan nila ni Rima Ostwani, wala nang napapabalitang nililigawan niya.

“Sa mga ganitong klaseng sitwasyon eh, mahirap namang maging unfair kung mayroon ka mang kapartner. It will take time for me to get involved again with someone. But then again you know, it will be nice also, an inspiration I would love to have someone that I can talk, to really motivate me to work harder and lahat naman tayo, tayong mga lalaki, kailangan natin ng inspirasyon sa buhay. Siyempre kailangan natin ng babae kumbaga magbibigay sa atin ng magandang direksyon minsan, kapag puro trabaho tayo.”

 

BLIND ITEM: ISANG sikat at super blockbuster na personalidad mula sa Kapamilya station ang nagbabalak daw na lumipat sa Kapatid Network.

Medyo sensitibo pa ang pagkakakilanlan ng natu-rang star kaya kahit edad ay hindi muna kami magbibi-gay ng clue. Asahan na lang natin na sa mga susunod na araw o buwan ay isang malaking balita ang kanyang paglipat, kung maaayos at walang maging balakid ang negosasyon between the camp of the said Kapamilya star and Kapatid network.

 

BUKAS NA PO, August 27 at 8PM sa Music Museum ang concert ni Dulce, dubbed as “La Dulce, Diva” with guest Asia’s Queen of Songs Miss Pilita Corrales and Jed Madela. Nood na!

 

Twitter: @arnielcserato; Facebook: heavenscents2002@yahoo.com; E-mail your blind items and hottest showbiz scoops sa arnielcserato@gmail.com.

 
Sure na ‘to
By Arniel Serato