Princess Punzalan, masaya sa nangyayari sa ex na si Willie Revillame! – Tita Swarding

Princess Punzalan, masaya sa nangyayari sa ex na si Willie Revillame! - Tita SwardingOLA CHIKKA! TALAGANG  may balat na sa puwet ang anak ni Mat Ranillo IIIPrincess Punzalan, masaya sa nangyayari sa ex na si Willie Revillame! - Tita Swarding na si Krista Ranillo. Sa taong 2009 hanggang sa pagpasok ng 2010, hindi pa rin siya tinantanan ng mga isyung ipinupukol sa kanya. Dahil nga sa pagpasok ng unang buwan ng taong 2010, siya pa rin ang ‘in’ sa intriga.

Ngayon, isinusuka na raw ang pamilya ni Krista ng kanilang simbahan at mga ka-relihiyon dahil sa mga isyung kinasasangkutan ng dalaga. Pati ang ama rin nitong si Mat ay hindi na nga raw tanggap ng kanilang relihiyon, huh!

Ang ibinulong sa akin ng aking parazzi girl, hindi raw kasi nagustuhan ng namumuno sa kanilang simbahan ang mga naglalabasang isyu tungkol sa actress, at pati ang ama nito, kung saan sinasabing siyang nag-bugalu sa anak nito. Nakakalerke, ha?!

Kahit pilit na umiiwas ang actress sa mga itinatanong sa kanya, hindi nga siya tinatantanan ng mga intriga. Lalo na ngayong buntis nga raw ang hitad at ang itinuturong ama ay ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao. Nakakaloka, ha?! War na ba ito ni Jinkee?! Hahaha!

Dahil ayon naman sa mga kumakalat na chikka, masaya nga raw ang sexy actress na nagbuntis siya at sa ibayong lugar pa ito nagpa-pregnancy test. Kaloka, ha?!

Naku, Krista, ano naman kaya ang paliwanag mo rito? Dahil pati relihiyon mo ay naki-join na rin daw. ‘Yun na!

PANANDALIAN LANG PALA ang pamamalagi sa bansa ng dating asawa ni Willie Revillame na si Princess Punzalan, kung saan, may nagawa itong teleserye kahit sandali lang ang baksayon nito sa bansa.

How true kaya na Willie raw ang gumastos ng pamasahe ng dating asawa pabalik sa Amerika? Ito raw ang regalo ng TV host sa dating asawa nito, huh!

Masama naman daw si Princess sa tinatamo ng TV host ngayon sa buhay. Pero kahit ano pa man, yakang-yakang naman ito ni Willie kahit balikan pa ang pamaso nito. Hahaha! Kalerke!

Masaya nga rin daw sa ganu’n si Princess, at maraming blessings daw ang dumating sa buhay ni Willie, at masaya na rin naman siya sa buhay niya sa Amerika. ‘Yun na!

Wag n’yo pong kalimutang pakinggan ang aking programa sa DWBL 1242 khz, 8-9 A.M. Monday to Friday, at sa DZRH 666 khz, 2:30-3:30 P.M. every Sunday. ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding