Prince Stefan, masaya at proud sa pagiging bading

ADVERTISING

Prince Stefan, masaya at proud sa pagiging bading

Prince Stefan with boyfriend Paolo Amores
Prince Stefan with boyfriend Paolo Amores

Out na out na talaga ang dating Starstruck Avenger na si Prince Stefan na isang proud gay at very happy ngayon sa kanyang karelasyong si Paolo Amores.
Kuwento nga ni Prince sa isang panayam tungkol sa kuwento ng kanyang lovelife, “Nagkakilala kami ni Paolo through a friend of a friend last two years ago pa. Pero parang nandiyan lang siya, nandito lang ako. May iba siyang kalandian, may ibang kalandian ako.
“Meron na kaming physical attraction noon, pero alam mo na, may dyowa siya, may kalandian ako, aura.
“Pero last year, nu’ng naging single siya, single ako, nag-start ka­ming mag-usap, nagtsa-chat kami lagi. Lagi siyang nagse-set ng dinner, movie, o magkita kami.”
Kaya naman daw ang ending, naging sila at happy raw sila together. Ngayon daw na nag-out na si Prince, mas naging happy siya dahil nagagawa na niya ang mga bagay na gusto niyang gawin na ‘di niya magawa noon.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING