Prince Stefan, maraming natanso

ADVERTISING

Prince Stefan, maraming natanso

Prince Stefan
Prince Stefan

Ang landi ni Prince Stefan. Beh siya nang beh. Actually, over nga ang pag-out niya na mula nang mag-out siya from his closet, sumobra naman yata ang “kabaklaan” ng hitad.

Pero aliw siya. Hindi na pa-mhin ang kategorya niya sa akin ni Prince, beking-beki na. Hindi na “bulalo” ang peg, dahil all out ang freshly out na baklush na little sister ni John Lapus.

Yes, siya ‘yong nag-out recently na ipinakilala na sa mundo kung ano ang sexual preference niya. Siya ang baguhan na nakasabay ni Aljur Abrenica na nag-bathtub sila (in their underwear), na ang tsika ni Prince nang tanungin kung “biggie” ang note ng sexy hunk, say ni Prince, dyutay lang daw. Na sinagot naman ni Aljur ng, “Baka ugat lang ang nakita niya.”

Noong hindi pa siya out, ang dami pala niyang diniskartehan na co-stars niya sa Kapuso Network.

ADVERTISING

Maging si Lovi Poe, ineklat din pala niya noong panahong alanganin pa siya sa feelings niya kung ano ba talaga siya, kuwento niya sa amin during an event para sa “Working Beks” ng Viva Films (showing on November 23), na akmang-akma sa sitwasyon niya ngayon.

Sa panahgon na nahihilo pa si Prince kung ano ang kanyang preference, ang dami palang girls ang natatanso niya. Pero nang mag-out, proud si Prince na ipagsigawan sa mundo na type niya si Piolo Pascual at Derek Ramsay.

“Type ko si Papa P. Super like ko rin yong pagiging Moreno ni Papa Derek,” sabi niya sa amin. Good choice, huh!

Sa ngayon, behave na muna si Prince dahil ang kanyang status ay “committed”. May boyfie siya na nagtatrabaho sa Singapore.

Hindi ba mahirap sa kanya ang long distance love affair?

“Hindi. Gusto ko na rin ang ganitong set-up. Nakapagwo-work kami pareho. Ayaw ko namang araw-araw kami nagkikita na wala nang excitement. Hayaan mo na, beh, na kapag nagkikita kami ay super excited kami pareho, ‘di ba?” paliwanag ni Prince.

Sa obra ni Chris Martinez, he plays a call center agent na mahilig gumimik na ang pagiging playful niya sa kaliwa’t kanang panlalalaki ay baka maging dahilan pa ng kanyang buhay dahil sa Aida (AIDS).

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING