Prince Stefan, ipinakilala na ang boyfriend

ADVERTISING

Prince Stefan, ipinakilala na ang boyfriend

Prince Stefan
Prince Stefan

May dyowa na si Prince Stefan?

Napanood namin ang video niya recently kung saan kasama niya sa isang ride ang kanyang boyfriend.

“Takot pa rin ako (sa height)”.

Sagot ng guy, “Nagpapanggap lang ‘yan.”

ADVERTISING

“Mga kaibigan nasa Bangkok po kami. Boyfriend ko po ito. Mahal na mahal ko,” say ng actor.

“Mukhang hindi naman,” the guy said.

“Hoy, ano ka ba. Ginawa ko nga ito para sa ‘yo, eh. Ikaw, ano ang puwede mong gawin para sa akin?” said Prince.

“Tatalon ako,” say ng guy.

“‘Di ka naman takot, eh. ‘Yung mas feel mo na gagawin mo para sa pagmamahal mo sa akin?” say ni Prince.

“Kahit ano para sa ‘yo,” say naman ng guy.

“Sweet. Babe, ‘wag kang ganyan, lalo akong nai-in love sa ‘yo. Okay, ayan na kasi natatakot na ako. Bye,” say ni Prince.

Lumabas na a few months ago ang pictures ni Prince kasama ang isang guy named Paolo. Is the guy he was seated with the same guy na sinasabing boyfriend niya?

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING