Prince Salvador na-excite makatrabaho si Direk Darryl Yap sa ‘Pornstar 2,’ game agad sa butt exposure

Leo Bukas

TUWANG-TUWA ang baguhang si Prince Salvador na ang pelikulang Pornstar 2 (Pangalawang Putok) ni Direk Darryl Yap ang kanyang first project bilang aktor. Si Prince ay graduate ng Star Magic acting workshop noong 2020 pero dahil nagkapandemya kaya halos one year din siyang na-lockdown  sa kanilang probinsya sa Pangasinan.

Ramdam ni Prince ang hirap ng sitwasyon ngayon sa showbiz at sa commercial world dahil bukod sa pandemya ay nagsara din ang ABS-CBN.

Prince Salvador na-excite makatrabaho si Direk Darryl Yap sa ‘Pornstar 2,’ game agad sa butt exposure
Prince Salvador

“Walang masyadong VTR at go-sees for commercials ngayon. Wala ring ramp modeling assignments kasi bawal pa ang mga events kaya hirap talaga.

“Mahirap din sa pelikula dahil kokonti lang ang nagpo-produce. May mga indie films pero kokonti lang dapat ang cast kasi nga may health protocols na sinusunod,” himutok ng 22-year-old na binata.

“Kaya nung tinawagan ni Direk Darryl ang manager ko na isasama ako sa cast ng Pornstar 2 sobra akong na-excite. Hindi na ako nagtanong kung anong role ko. Na-excite ako kasi si Direk Darryl yung makakatrabaho ko sa first film ko.”

Ang Pornstar 2 ay sequel ng Paglaki Ko Gusto Ko Maging Pornstar na ipinalabas last year sa Vivamax. Bida sa sexy comedy film sina Ara Mina, Maui Taylor, Alma Moreno at Rosanna Roces. Introducing naman noon sa pelikula si AJ Raval.

Sa Pornstar 2 ay ang mga legendary sexy actresses pa rin ang bibida.

“Nung nalaman ko yung cast – sina Ms. Ara, Ms. Alma, Ms. Maui at Ms. Rosanna, na-excite pa ako lalo. Nakaka-inspire silang katrabaho. Napaka-natural at ang babait,” kuwento ni Prince.

Prince Salvador na-excite makatrabaho si Direk Darryl Yap sa ‘Pornstar 2,’ game agad sa butt exposure
Direk Darryl Yap and Prince Salvador

Required sa naging role ni Prince sa Pornstar 2 ang butt exposure o magpakita ng puwet.

Aniya, “Okey lang naman ako sa ganun, kasi kailangan sa trabaho. Hindi yon big deal sa akin.”

Positibo rin ang naging feedback kay Prince ng kanyang mga co-actors. Ani Maui, sana raw ay makatrabaho niya ulit si Prince sa ibang pelikula. Si Osang naman ay puring-puri ang kinis ng puwet ni Prince at ang magandang attitude ng binata.

Samantala, introducing sa Pornstar 2 ang apat na baguhang sexy stars na sina Sab Aggabao, Ayanna Misola, Stephanie Raz at Cara Gonzales. Kasama rin sa pelikula na meron ding butt exposure sina Rash Flores, Abed Green at Jet Delgado.

Ipapalabas ang Porntar 2 sa Vivamax sa December 3, 2021.