Pretty Girls at Aries Go, millennial faces ng Erase Plantcenta

ADVERTISING

Pretty Girls at Aries Go, millennial  faces ng Erase Plantcenta

Pretty Girls at Aries Go, millennial  faces ng Erase Plantcenta
Aries Go and Pretty Girls

TILA lumihis muna sa pagma-manage ng mga sexy stars ang talent manager na si Lito de Guzman. Ngayon kasi ay puro mga teenagers ang kanyang hina-handle.

May all-girl group siya na tinatawag na Pretty Girls at meron ding isang good-looking guy na ang pangalan ay Aries Go. Kino-comanage ni Lito ang mga bata with Viva Artists Agency (VAA).

Ang Pretty Girls ay kinabibilangan nina Daniela Carolino, Siera Briones at Gab de Leon. Bagama’t grupo sila, ayon kay LDG ay may mga individual careers daw ang mga ito.

Sina Aries at ang Pretty Girls din ang kinuha ng Plantcenta Erase para maging endorser ng lahat ng whitening product ng kumpanya. Sila ang mga bagong millenial faces ng  Erae Plantcenta direct selling.         

ADVERTISING

Ayon sa owner ng kumpanya na si Mr. Louie Gamboa, may tiwala siya kay Lito kaya aprub kaagad sa kanya ang mga talents nito.

“Basically we’re here simply just to support itong Pretty Girls saka si Aries, and of course, support natin kay Lito,” sey ni Mr. Gamboa.

Ngayong November, magsasama sina Aries at ang Pretty Girls sa campus tour na ipino-produce ng Plantcenta Erase, ang Battle of the Champions kung saan ay makakasama rin nila ang mga champion ng The Voice Kids na sina Lyka Gairanod, Elha Nympha at Joshua Oliveros.

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING