Prenup agreement nina Ai-Ai delas Alas at Gerald Sibayan, confidential!

ADVERTISING

Prenup agreement nina  Ai-Ai delas Alas at Gerald Sibayan, confidential!

Prenup agreement nina  Ai-Ai delas Alas at Gerald Sibayan, confidential!
Ai Ai Delas Alas

AYAW nang idetalye ni Ai-Ai delas Alas ang tungkol sa prenup agreement nila ng mapapangasawang si Gerald Sibayan. Ikakasal ang dalawa sa Dec. 12 sa isang simbahan sa Quezon City.

Sa pocket interview ni Ai-Ai para sa latest film niyang  Bes and the Beshies na showing on Oct. 18 at prinodyus ng Cineko Production, sinabi niya na confidential ang detalye ng kanilang prenup.

Aniya, “Meron kami kaya lang confidential. Hindi pinag-uusapan dapat. Ayaw ng lawyer.

“So, meron pero hanggang do’n lang ang puwedeng sabihin kasi sabi nu’ng lawyer it’s confidential, if ever na magtanong sila sabihin mo na lang, ‘oo pero no detail.’”

ADVERTISING

Sino ba ang nag-initiate about the prenup agreement?

“Usually naman yung nanay ko ang parating may gusto and yung family din ni Gerald. Pero wala naman talaga yon. And yung sa ganyan, para na lang din sa kapayapaan ni Gerald, para wala na siyang basher, intriga,”  paliwanag niya.

Patuloy pa ni Ai-Ai, “Sa mag-asawa naman, ke normal, ke artista, wala naman yon, eh. Pera lang yon. Kumbaga, hindi naman yon ang batayan ng pagsasama n’yo nang matagal, eh. Sa pagsasamahan yon, kung magkakaintindihan kayo, di ba?

“Pera lang yon, although kailangan n’yo yon bilang mag-asawa, pero hindi yon ang essence ng pagmamahalan,” mahaba niyang paliwanag.”

Samantala, kasama ni Ai-Ai sa Bes and the Beshies sina Carmi Martin, Zsa Zsa Padilla at  Beauty Gonzales na pawing mga Kapamilya stars. The film which will be shown on Oct. 18 is written by Ricky Lee and directed by Joel Lamangan.

 

 
 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING