Premiere night ng ‘Felix Manalo’, gumawa ng bagong Guinness World Record

Premiere night ng ‘Felix Manalo’, gumawa ng bagong Guinness World Record

Dennis-TrilloPINATUNAYAN NA naman ng Iglesia Ni Cristo ang lakas nila kapag ang mga namamantalapaya nila ay nagkakaisa. Remember the road blockage (sa may bandang Shaw Blvd. and EDSA) almost a a month ago dahil sa kontra sila sa pamamalakad ni DOJ Sec. Delima na halos limang araw ring nabalam ang trapik at galit ang taumbayan sa ginawa nila dahil sa kanilang protesta at pag-ipon-ipon sa kalye na naging sanhi ng pagkaabala sa nakararami?

Last Sunday, sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan, pinatunayan ng INC followers and believers na kaya nilang buwagin ang Guinness World Record para ang malaking pagtipun-tipon nila sa premiere night ng pelikulang Felix Manalo na pinagbibidahan ni Dennis Trillo. Na-break nila ang record para sa largest audience for a film screening na sa mahigpit nilang pagbibilang gamit ang isang electronic device na ire-record ang bawat tao na pumapasok sa loob ng arena na may hawak ng ticket ay umabot ng 43,624 audience ang naturang premiere showing ng pelikula tungkol sa buhay ng INC founder and leader nila.

Magaling si Dennis Trillo. Isinabuhay niya ang kuwento tungkol kay Felix Manalo. Akma kay Dennis ang role at kaya niyang bigyan ng tamang interpretasyon ang role sa historical movie kung papaano nabuo ang naturang relihiyon.

Like ko ang production design, lalo na ang make-up na kinulapol kay Dennis para magmukha siyang matanda. Nag-voice acting din si Dennis para makuha niya ang timbre ni Felix Manalo at maging ang mala-boses “preacher” na trademark na ng mga INC leaders na napanonood ko sa Net 21 TV station ng naturang sekta.

Today ay palabas ang pelikula sa almost 300 theaters na sabi-sabi ay maglilikha muli ang INC ng record para maging box-office hit ang obra ni Direk Joel Lamangan, na sa unang araw ng pagpapalabas ay hihigitan nila ang nakatalang biggest hit ng lokal na pelikula na na-produce sa Pilipinas sa unang araw ng pagpapalabas nito.

Dahil sa pagkakaisa ng INC faithfuls, hindi ako magtataka kung bakit tuwing eleksyon, ang ma pulitiko ay nililigawan ang pinuno nila to get some recommendations, na ewan ko kung may havey or waley ang mga endorsements ng mga bossings ng INC sa mga kandidato tulad sa mga natistsismis noon pa man.

Pero sa kuwento ni Felix Manalo, hindi ito tinalakay. Nag-focus ang direktor na si Joel Lamangan sa personal na kuwento ng pinuno ng INC mula sa pagkapanganak sa kanya hanggang sa mabuo ang Iglesia ni Cristo sa bansa at kumalat na sa buong mundo.

Reyted K
By RK VillaCorta