Premiere night ng AlDub movie, SRO sa dami ng nanood; dumagundong sa hiyawan at tilian ng fans

ADVERTISING

Premiere night ng AlDub movie, SRO sa dami ng nanood; dumagundong sa hiyawan at tilian ng fans

Alden Richards & Maine Mendoza
Alden Richards & Maine Mendoza

Pinatunayan last night ng AlDub Nation na alive and kicking pa rin sila sa premiere night ng pelikula nina Alden Richards at Maine Mendoza na “Imagine You & Me” na tunay naman talaga nilang sinuportahan.

ADVERTISING

Sa dalawang sinehan kung saan ipinalabas ang pelikula ng dalawa mula sa direksyo ni Michael Tuviera, SRO ang mga manonood na hindi nakapaghintay ng regular showing ng movie na nagsimula ngayong araw, Wednesday, July 13.

Very seldom akong nanonood sa mga premiere night, dahil unang-una na ay ayaw kong maghintay kung anong oras magsisimula ang palabas. Pangalawa, ayaw ko ng maiingay na mga fans na walang ginawa kundi magtilian at maghiyawan kapag lumalabas na sa screen ang idols nila.

Pero hindi mo talaga mapipigilan ang fans nina Alden at Maine na nandudu’n last night sa preem night ng pelikula ng dalawa.

ADVERTISING

Bukod sa dumadagundong ang tilian at hiyawan kapag nasa screen na ang idols nila, super kilig sila sa kissing scences ng dalawa.

Aminin ko na hindi ako AlDub fan. Hindi ko nasusundan ang “kalye serye” nila na isang segment sa “Eat… Bulaga!” na milyun-milyon na ang mga tagasubaybay, reason kung bakit ang mga producer tulad ng Tape, Inc., M-Zet Films, at APT Productions ay nag-decide na ibigay na ang clamor ng publiko na magka-pelikula na ang dalawa.

Yes hindi ako AlDub fan, but I enjoyed their movie na bukod sa nagandahan ako sa kasimplehan ng love story ng dalawang main characters, nakadagdag ng ganda ang Lake Como (Italy) sa kagandahan ng kuwento.

Hindi ko inaasahan na magugustuhan ko pala si Maine sa kanyang kanaturalan sa pag-arte. Walang ka-effort-effort si “Pekpek”, para ma-enjoy ko siya sa big screen.

Simple lang ang kuwento. Nagsimula sa pagkainis ng dalawa sa isa’t isa na nauwi sa tunay na pagmamahalan.

Ang ganda ng timpla nina Alden Richards at Maine sa wide screen. Guwapo si Alden, pero pansin ko na tila nadi-distract ako sa ilong niya. Hindi ko alam kung tama ba ang laki or kung ano man.

Si Maine, simple lang ang beauty. May mga eksena na dini-distort pa rin niya ang kanyang mukha (na siyang trademark na yata niya sa EB), pero bumabawi naman siya sa mga eksenang pampakilig sa fans nila ni Alden.

Magandang tingnan sina Alden at Maine sa big screen.

Tamang timpla ang Imagine You & Me. Fan ka ng AlDub? I’m sure mag-e-enoy ka at bilangin n’yo nga pala kung ilang beses silang nag-kiss at mga halikang sablay na pambitin sa AlDub fans.

Hindi ka man tagahanga ng dalawa, I’m sure mapangingiti ka sa kanila. I’m not AlDub fan, pero oks sa akin ang pelikula ng dalawa.

Promise, hindi ka manghihinayang na hindi ka kumain muna ng Big Mac at Large Fries para panoorin mo ang unang salang ng AlDub sa big screen.

Yes, I recommend “Imagine You & Me”. Cool. Chill at walang pretension na magpaka-art (hahaha…)

Paglabas mo ng sinehan, I’m sure, nakangiti ka rin tulad ko.

By the way, tonight, sa first day of showing, abangan sina Alden at Maine sa sorpresang pagbisita nila sa dalawang sinehan sa Metro Manila bago magsimula ang last full show (LFS) para personal na pasalamatan ang fans nila na walang sawang sumusuporta sa una nilang pelikula.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING