Preggy and Proud: Angelica Panganiban ipinasilip ang kanyang baby bump

MARAMI ang nagbunyi nang makumpirma na buntis ang Kapamilya actress na si Angelica Panganiban. Pagkatapos ng mahabang panahon na sinubaybayan ng madlang pipol ang kanyang makulay na love life at pinanood ang mga pelikula’t teleseryeng pangromansa na pinagbidahan niya ay papasukin na ng aktres ang bagong kabanata ng kanyang buhay.

Preggy and Proud: Angelica Panganiban ipinasilip ang kanyang baby bump
Angelica Panganiban

Last week ay kinumpirma ni Angelica ang interesting stage ng kanyang buhay by sharing an ultrasound photo and a sweet photo with her non-showbiz partner Gregg Homan.

“Sa wakas! Magagampanan ko na rin ang pinakahihintay, at pinaka-importanteng papel ng buhay ko. Magiging ganap na INA na po ako.” masayang balita ni Angelica noong March 20, 2022.

Lalong kinilig ang mga fans ni Angelica nang magpost ito sa kanyang Instagram stories ng isang mirror selfie kung saan kitang-kita ang kanyang baby bump at kapiling ang kanyang Gregg.

Preggy and Proud: Angelica Panganiban ipinasilip ang kanyang baby bump
Angelica Panganiban and Gregg Homan

Nag-umpisa ang usap-usapan na may non-showbiz boyfriend na si Angelica noong November 2020, na pinapaniwalaang nakilala niya habang ginagawa ang teleseryeng ‘Walang Hanggang Paalam’ sa Subic. Kinumpirma niya ang relasyon nila ni Gregg sa pamamagitan ng pagpost ng sweet photo nila noong New Years Day ng 2021.

Noong July 2021 ay ipinagdiwang nila ang kanilang one year anniversary bilang isang couple.

Congratulations, Angelica and Gregg!

Previous articleThings You Didn’t Know About Vaness Del Moral
Next articleVLOG WATCH: X-Deal 2 Movie Shoot Behind The Scenes with Rob Guinto