Positive! Aktres, buntis sa dyowang aktor!

ADVERTISING

BLIND ITEM: Isa sa mga araw na ito o sa susunod na buwan ay may isang aktres na aamin na siya ay buntis.
Aware na rin ang dyowa nito na siya ay buntis at malamang ngayon ay binubuo na nila ang statement na kanilang sasabihin sa publiko, lalo na sa mga fans.
Nauna rito’y ipinost na namin sa aming Twitter account (@ogiediaz) na ang nagdadalantao ay may initials na MR.
At nagbigay pa ako ng choices para magkaroon ng idea ang mga tao kung sino ang tinutukoy namin.
-Manilyn Reynes
-Mariel Rodriguez
-Maricar Reyes
-Melissa Ricks
-Marian Rivera
Sumusumpa ang aming source na “positive” ang aktres na magiging mom na after 7 or 8 months.
Pero sabi nga namin, kami na ang humihingi ng dispensa kung sakaling mali ng bigay ng impormasyon ang aming source.
Pero ang sabi naman niya, “Kelan ba ako pumalpak ng impormasyon sa ‘yo, Papa O?”
Okey. Totoo man ito, congrats sa aktres. Every baby is a blessing, ‘ika nga.
A lady will soon be a mom.

By Ogie Diaz

ADVERTISING
ADVERTISING