Pops Fernandez, obvious ang pagpaparetoke ng ilong

ADVERTISING

Pops Fernandez, obvious ang pagpaparetoke ng ilongPops Fernandez, obvious ang pagpaparetoke ng ilongAWARE KAYA si Pops Fernandez na marami ang na-turn off sa kanya when people saw her photo na lumabas sa isang popular website.

Bukod kasi sa walang make-up si Pops, kung meron man ay talagang very, very light, at marami ang nakapansin na katatapos lang niyang iparetoke ang kanyang ilong.

Obvious na obvious na she had her nose done.

Actually, parang hindi hindi pa magaling ang bagong gawang ilong ni Pops. Medyo may pamamaga pa kasi sa kanyang mukha. Siguro ay hindi lang niya matanggihan ang friend na nag-invite sa kanya sa okasyong iyon kaya umapir siya.

Kaya lang, she should not have allowed herself to be photographed na ganoon ang kanyang hitsura. Hindi ba siya aware na puwedeng kumalat sa social networking sites ang photo niyang iyon with her  friends?

ADVERTISING

Actually, maganda naman si Pops but it seems she’s not contented with her God-given beauty. Parang merong kulang pa sa kanya. That’s how we see her.

Kasama nga pala ni Pops si Gretchen Barretto na ang ang ganda-ganda pa rin. But like Pops, she’s also a product of salamat-po-doktor.

Pops Fernandez, obvious ang pagpaparetoke ng ilongProbably out to parry off her detractors’ nasty comments, nagpatutsada si Pops sa kanyang Twitter account.

Never let anyone steal your joy. When people hurt you over and over. Think of them as sandpaper. They scratch and hurt you but in the end , You are polished, and they are useless,” sabi niya sa kanyang Instagram as quoted by a popular website.

 

NAKATUTUWA ITONG si Angel Locsin. Gusto kasi niyang ihabol sa Twitter ang eksaktong oras ng pagsagot niya kay Phil Younghusband by posting a collage of photos nila ng binata.

Kaya lang, hindi na kinaya ng powers ni Angel ang paghabol sa exact time.

Despite her failed effort, Angel still posted her sweet moment photos with Phil sa kanyang Instagram account with this message: “Thank you to everyone for the greetings! We tried to post this at 11:56pm (time of anniv)..hindi umabot We have had great memories together so far & we’re looking forward to many more Thanks for being part of our journey – philgel.

Noong Monday ang anniversary nila as a couple at ang balita ay sumunod daw si Angel kay Phil sa Singapore dahil may laban ng football ang Azkals player.

 

PAPUNTA NA sa guy ang peg ngayon ni Charice.

Astig na astig ang dating ng singer sa photo na aming nakita kung saan me kasama pa siyang apat na lalaki.

Lalaking-lalaki ang porma ni Charice sa shot at meron pa siyang fake na bigote. Actually, hindi lang naman siya ang may fake na bigote, maging ang tatlo niyang kasama sa picture ay meron din.

Bukod pa diyan, napag-alaman din naming nahihilig din pala sa basketball itong si Charice. Halos ayaw raw nitong papigil sa pagba-basketball noong minsang dumalo ito sa isang liga.

At ang added na chismis, merong bagong BMW itong si Charice na ginamit niya papunta sa liga kasama ang isang broadsheet writer.

Inaawat na nga raw ng writer si Charice dahil madaling-araw na at tuloy pa rin ito sa paglalaro ng basketball.

Mukhang nag-e-enjoy si Charice sa kanyang non-showbiz activities. Wala naman kasi yata siyang project ngayon kaya ang dami niyang oras para ma-enjoy ang activities na hindi niya nagagawa noong busy siya sa showbiz.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING