Pops Fernandez, nakipaghiwalay sa non-showbiz BF bago natapos ang 2015

ADVERTISING

Pops Fernandez, nakipaghiwalay sa non-showbiz BF bago natapos ang 2015

Pops-FernandezLoveless ngayon si Pops Fernandez. Nagkahiwalay raw sila ng non-showbiz boyfriend niya bago natapos ang 2015.

“Actually, matagal-tagal na rin kaming nag-break, we we’re together for quite awhile,” kuwento pa niya.

Inamin din ni Pipay na ayaw na niya ng showbiz guy bilang boyfriend.

“Unang-una, hindi na rin naman ako showbiz, ‘di ba? Hindi na rin ako lumalabas, so, huwag na rin. Kasi parang complicated na nga ‘yung life ko, mas magiging complicated pa,” katwiran niya.

ADVERTISING

Samantala, maraming fans ang natuwa sa pinost ni Pops Fernandez na magkakasama silang buong pamilya sa Amerika nu’ng Christmas season. Nabuhay rin ang ilusyon ng kanilang supporters na na posibleng maging sila ulit ni Martin sa bandang huli.

“Martin and I can be good friends and we can live our lives (separately) and we’re happy. We’re individually on our own, and we’re okey with our lives,” sey pa ni Pops na isa sa mga judges ng reality singing competition na Born To Be A Star ng TV5.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING