Pooh at K Brosas, shocking ang love scene sa movie

Pooh-K-BrosasPARA LANG nasa comedy bar ang magkaibigang Pooh at K Brosas habang nagsisyuting ng pelikulang Espesyal Kopol na ipalalabas na sa June 3 under the direction of Neal Buboy Tan. May pagkakataon nga lang na kailangan nilang bawasan ang kalaswaang nasa script para hindi lumabas na bastos.

“Pinapayagan naman kami ni Direk Buboy na palitan ‘yung lines na sa tingin namin ay medyo off ni K. Mahirap din kasi ‘pag masyadong bastos. Hindi rin naman kami sanay ni K sa ganu’n. Hahaha!” pabiro niyang pahayag sa presscon ng pelikula.

Inamin ni Pooh na may love scene sila ni K sa Espesyal Kopol pero sa last part ng movie daw ito mapapanood. “Naku, abangan nila ’yung last part. May love scene kami. Nakaka-shock!” tawa pa niya.

Pinatungan at kinubabawan daw ni Pooh si K sa naturang love scene kaya hindi maiwasang maramdaman ng aktres ang ari ni Pooh. “Eh, ang tagal ko pa namang hindi nakaka-experience nang ganu’n, kaya ’yon, sabi ko sa kanya, gawin niya na, para matapos na. Patungan na niya ako,” natatawang kuwento ni K.

Habang ginagawa ang naturang eksena ay tawang-tawa raw sina Pooh at K. Ang hindi lang nila sure ay kung matatawa ang tao o malalaswaan sa eksena.

La Boka
by Leo Bukas

Previous articleRhian Ramos, hindi na maitago ang identity ng Chinese boyfriend
Next articleHeart Evangelista, ayaw nang isapubliko ang pakikipag-ayos sa mga magulang

No posts to display