Polo Ravales, lilipat sa Dos dahil gustong maging aktor

ADVERTISING

Polo Ravales, lilipat sa Dos dahil gustong maging aktor

Polo-RavalesMAGIGING KAPAMILYA na rin si Polo Ravales. Ayon sa kuwento niya sa amin, malamang daw na sa July ay makatrabaho na niya ang ilang stars from ABS-CBN.

Gustong maging “aktor” ang rason ni Polo kung bakit siya lilipat ng Dos. “Actually, hindi ko kasi alam kung nu’ng time na nasa GMA ako ay naging aktor ba ako? That I don’t know, eh. I mean, ganu’n ba ‘yung naging tingin ng tao sa akin? Para sa akin, I think, yes naman, siguro for a time.

“Sa paglipat ko sa ABS-CBN, gusto kong mag-explore as an actor, gusto kong ma-establish as an actor… hopefully,” pahayag niya.

Birthday ni Polo sa June 27 at isa raw sa birthday wish niya ang maging ganap na Kapamilya. “Sana, I’m praying for it,” sambit pa niya.

ADVERTISING

May indie film ding natapos si Polo. Isa siya sa mga bida sa Of Sinners and Saints na entry sa Filipino New Cinema (a section of World Premiere Film Festival 2015) na magaganap simula June 24 hanggang July 7. Ipalalabas ang pelikula sa mga SM Cinemas.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING