Polo Ravales, inoperahan ang slip disc dahil sa pagkakadulas sa banyo

ADVERTISING

Polo Ravales, inoperahan ang slip disc dahil sa pagkakadulas sa banyo

Polo-RavalesKAHAPON PALA inoperahan si Polo Ravales dahil sa nagkaroon ito ng slip disc nang madulas siya sa banyo.

Nu’ng nakaraang linggo ‘yan nangyari na kung saan kaarawan pa pala niya.

Kuwento nga ng handler niya, dapat ay dadalo pa siya sa premiere night ng indie film niyang Of Sinners Or Saints nu’ng nakaraang Sabado, pero nasa ospital na ito dahil hindi na siya nakatayo.

Kailangan daw lagyan ng titanium ang lumbar niya at madugo pala ‘yun!

ADVERTISING

Mabuti at buhos naman ang suporta sa aktor kaya medyo gumagaan ang pakiramdam niya kahit natatakot ito sa operasyon.

Abangan n’yo sa Startalk dahil sinubaybayan namin ito para ilahad ‘yan lahat sa darating na Sabado.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING