Polo Ravales, inaasam na magka-award sa kanyang indie film

ADVERTISING

Polo Ravales, inaasam na magka-award sa kanyang indie film

Polo-RavalesKAGAYA NG mga kasabayang mga award-winning actors na na sina Dingdong Dantes at Sunshine Dizon, asam din ni Polo Ravales na manalo ng award sa hinaharap. Masuwerte naman ang aktor dahil napili siya ng isang Fil-Italian director na si Ruben Maria Soriquez na siya ring lead actor para sa pelikulang Of Sinners And Saints ng See Thru Pictures at nabigyan ng isang challenging role.

“First time kong gaganap bilang isang masamang tao. Bad boy as in bad boy talaga ako sa movie namin. Bugbog-sarado lagI ang asawa ko rito at may ginawa pa akong masama sa anak namin,” tsika sa amin ni Polo nang pasyalan namin siya sa set ng indie film na ginagawa.

Ang mahusay na aktres na si Chanel Latorre ang gumaganap na asawa ni Polo. Kasama rin sa pelikula sina Raymond Bagatsing, Richard Quan at Sue Prado.

“Gusto kong manalo ng award, ng best actor award. ‘Yun ang goal ko ngayon. At this point, sana kahit isa makasungkit ako. Hindi ko alam kung saan pero dito sa movie namin na napakahirap ng role ko na ibinigay ko na lahat-lahat, grabe ang ginawa kong paghahanda, kung mapapansin ako rito, maraming salamat.

ADVERTISING

“Siyempre happy ako kina Dong at Shine dahil may mga award na sila, ‘di ba? Kaya naman ‘yun din ang wish ko… ang goal ko… na sana manalo rin ako ng award,” tsika pa ni Polo.

Samantala, puring-puri si Polo ni direktor. Sinabi nito na mahusay si Polo at nagugulat siya kapag umaarte na ito.

“He always come on time at ready na. When we shoot, he’s in his character. What I want to see in him as a bad boy, I saw it! Polo is very good!” papuri pa ng direktor kay Polo.

Well… aabangan natin si Polo sa naturang pelikula na ngayon pa lang ay may mga invitation na sa iba’t ibang film festival abroad.

RAP EN ROL
By Ronald M. Rafer

ADVERTISING