Polo Ravales, ‘di raw nata-typecast sa kontrabida role

ADVERTISING

Polo Ravales, ‘di raw nata-typecast sa kontrabida role

Polo-RavalesHINDI NAPI-FEEL ni Polo Ravales na nata-typecast siya sa kontrabida role.

“Hindi naman. Feeling ko mas nakikita nila mas effective sa ganoong role. Kung nata-typecast? Hindi naman kasi I think kaya ko namang gumawa ng ibang role,” chika ni Polo sa amin sa presscon ng Angela Markado, kung saan isa siya sa rapists ni Andi Eigenmann.

Hindi ba niya nami-miss ang lead role? “Hindi, eh. Minsan mas gusto ko na ganito, mas hindi boring.”

Bilang isa sa rapists ni Andi, naiba ang kanyang rape scene dahil “tina-tattoo-an ko siya before the rape.”

ADVERTISING

Ayon sa actor, mahirap ang eksena niya kasi mainit sa bodega na siyang pinagsyutingan nila at kahit na take one, kailangan pa ring gumawa ng ibang takes para sa ibang camera angels.

“Minsan nagso-sorry ako kung nasabunutan ko si Andi. Nagso-sorry ako kasi baka kasi for her masakit,” dagdag pang chika ni Polo na freelance pala although he’s hoping na mabigyan siya ng teleserye ng GMA 7.

 

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING