Pokwang at Zanjoe Marudo, mayroon na namang kaelyahan

ADVERTISING

Pokwang at Zanjoe Marudo, mayroon na namang kaelyahan

Pokwang-Zanjoe-Marudo“HOY, MARE, ‘wag ka ha? Sinakyan na rin namin ang bonggang dayalog sa Maybe This Time.
“‘Yung famous line na there was never an us, ginamit namin ni Zanjoe Marudo sa ‘My Illegal Wife’ na showing na sa June 11!”
Ah, ito pala ‘yung ipinagmamalaki ni Pokey sa amin na ‘yung mga famous lines sa mga teleserye at ilang pelikula ng Star Cinema ay ginawan nila ng spoof sa pelikula.
Kaya pala trailer pa lang sa mga sinehang pinaglalabasan ng Maybe This Time ay hahagalpak ka na sa katatawa.
Isa itong produkto ng maindie (mainstream indie) productions ng ABS-CBN, ang Skylight Productions.
Oh well, let’s see kung ano na namang kaelyahan ang gagawin nina Pokey at Zanjoe.

 

BONGGA NA ang face ni Lance Raymundo no? Mas guwapo siya ngayon after ng ilang operasyon matapos ngang maaksidenteng mabagsakan ng barbel sa mukha.
Saka nakakatuwa, mas napalapit siya sa Diyos ngayon dahil nga halos mamatay na nga siya at parang sinusundo na siya patungo sa langit pero binigyan pa siya ng second life to live.
Mabait namang tao si Lance, kaya naman “request granted” mula sa itaas ang napasakanya.

MERON NA namang malaking isyu this week ang pakaabangan.
Alam naming pagod na kayo sa isyu involving the family, pero ito naman ay “kakaiba”.
Abangan n’yo na lang, ha?

ADVERTISING

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING