Pokwang, urong-sulong sa romansa nila ni Lee O’ Brian

Pokwang, urong-sulong sa romansa nila ni Lee O’ Brian

Pokwang-Lee-O- BrianSHOWING NA ngayong Miyerkules (Jan. 14) ang pelikulang Edsa Woolworth na prinodyus ng TFC at pinagbibidahan ng komedyanteng si Pokwang. Second movie ito ni Pokey sa TFC, her first was A Mother Story na ipinalabas two years ago.

Sa Amerika kinunan ang Edsa Woolworth kaya hindi maiiwasan na naging malapit si Pokey sa kaparehang American actor na si Lee O’Brien. Ipinagluto pa nga niya ito ng adobo at sarap na sarap ang aktor sa kanyang natikman.

Habang nasa Pilipinas si Lee para sa promo ng Edsa Woolworth, inimbita rin siya ni Pokwang sa kanyang bahay sa Antipolo. Ni-request ni Lee na muli siyang ipagluto ng adobo ni Pokey na siyempre, pinagbigyan naman ng aktres.

Ayun, mukhang dahil sa sarap magluto ni Pokey ay unti-unti na ngang nabibighani sa kanya ang American aktor na umaming walang girlfriend ngayon. Kaya lang, parang nagdadalawang-isip pa si Pokey kung itutuloy ang kanilang “romantic understanding” ng kapareha.

Matagal na ring loveless ang komedyana at wala kaming nabalitaan na nagkaroon ito ng kasintahan kaya siguro, panahon na rin para isipin niya ang kanyang kaligayahan, huh! Malapit na ring grumadweyt ang anak niyang si Mae sa kanyang pag-aaral kaya wala na siyang masyadong iintindihin.

Isa kami sa magiging masaya kapag nagkaroon na ng bagong pag-ibig si Pokwang at “nadiligan” na ang kanyang medyo nalalantang talulot. Hahaha!

“Darating naman ‘yon kung para talaga sa akin. Kahit naman wala akong lovelife, masaya rin naman ako sa buhay ko ngayon,” sey pa ng komedyana.

Ang Edsa Wool-worth ay sa direksyon ni John-D Lazatin na naka-base na rin sa Amerika.

La Boka
by Leo Bukas