Pokwang, tsugi na rin sa Wowowee?

OLA CHIKKA!! NALALAPIT na ang katapusan ng Hulyo, ngunit ang kaguluhan sa Wowowee ay hindi pa rin naglalaho at ngayon ay mas pinalala pa ang isyu ng lumabas ang balitang babalik na ang dating main host ng show na si Willie Revillame. Sa kanyang pagbabalik daw ay masisibak na ang mga female hosts at nauna na nga rito si RR Enriquez na kung saan ay wala na talaga siya sa show.

Hmmm… bakit kaya siya tsinugi? Hindi kaya ililipat siya sa evening program na babagay ang kanyang mga outfit na parang hindi siya aware na maraming manonood sa sobrang pag-expose ng kanyang katawan? Joke!
May mga balita ring naglipanang magre-reformat na ang programang Wowowee at isa na sa mga chikkang tsutsugihin na rin si Pokwang, ngunit wala pa itong kasiguraduhan at sa ngayon ay haka-haka lamang maging ang balitang pagbabalik ni Willie.

Teka nga, papa’no nila tatanggalin si Pokwang eh, ‘di nawalan ng dating ang show!

AT HINDI LAMANG iyan ang chikkang puro haka-haka lamang, ha?! Isama n’yo pa rito ang isyu ng pagkakaroon ng relasyon o panliligaw nitong si Gerald Anderson kay Bea Alonzo. Malamang nasa iisang istasyon sila kaya hindi malabong ma-link ang babaeng  ito kay Gerald. Mukhang imposible namang ligawan ni Gerald si Bea dahil hindi ganu’n ang mga type ng tisoy na aktor, ‘di ba?

Ito namang ka-love team niyang si Kim Chiu ay bali-balita ring nililigawan ni Enchong Dee. Paano na si Erich Gonzales niyan? Pero ‘wag nang malumbay ang mga fans nila Erich at Enchong dahil hindi rin naman si Kim ang tipo ng babae ni Enchong eh, kundi lalaki! Ha-ha! Joke!

Kaya nga sana ay tigil-tigilan na ang mga ganyang chikkang puro haka-haka lamang at kanya-kanyang ispekulasyon dahil magulo na nga ang mundo ng showbiz lalo pang pinagugulo ng mga ganyang isyu. Sana sa susunod, kumalat naman ‘yung mga chikkang may katotohanan, hindi ‘yung gawa-gawa lang at napakawalang sense, ‘di ba? ‘Di ba?

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong singer na kakasikat pa lamang at talagang napakagaling kumanta kaya nga maraming tao na ang humanga sa kanyang talento? Damang-dama mo ang kanta kapag siya ang umaawit dahil makikita mo sa kanyang mukha na feel na feel ang pagkanta.

Ngunit teka! ‘Wag pakasaya dahil kahit gaano kagaling siyang kumanta sa person at sobrang benta niya sa manonood ay
kabaliktaran naman kapag pinakikinggan mo lamang. Maganda nga ang boses, ngunit ayon sa aking parazzi girls ay narinig nilang kapag gumawa itong si singer ng album ay mukhang hindi bebenta dahil ang habol lang nila ay ang facial
expression at body gesture kapag umaawit na siya.

Sinong itong singer na tinutukoy ko? Ay, naku alam na alam niyo na at kung hindi n’yo pa mahulaan ay pumunta kayo sa higway at magtatatakbo dun. ‘Yun na!

At nais ko po kayong imbitahang makinig sa aking programa sa DWSS 1494 kHz weekdays from 11:30 A.M. to 12:NN. Makigulo sa amin kasama ang aking mga anak na sina Lady Camille, Lady Ghaga and Lady Khianna. At patuloy pa rin po akong subaybayan sa DZRH TV tuwing Linggo mula 2:30 to 3:30 P.M. Thank you very much and God Bless us all!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleWillie Revillame, ayaw RAW ng may nawawalan ng trabaho!
Next articlePagpapa-botox ni Charice, nagpasikat kay Vicki Belo!

No posts to display