Pokwang, stop muna sa trabaho dahil sa maselang pagbubuntis

ADVERTISING

Pokwang, stop muna sa trabaho dahil sa maselang pagbubuntis

Pokwang, stop muna sa trabaho dahil sa maselang pagbubuntis
Lee O’Brien and Pokwang

NANG MAKUMPIRMA ng komedyanteng si Pokwang na buntis siya recently ay madami sa m  afollowers niya ang natuwa.

 
Blessing from God ang nangyari sa buhay Mamang Pokie at live-in boyfriend niya na si Lee O’Brien, na tila ito na nga ang perfect relationship na matagal na niya hinahanap-hanap.
 
Aminado siya na medyo maselan ang pagbubuntis niya, reason kung bakit almost 2 years ago ay nakunan na rin siya while doing the serye Nathaniel sa Kapamilya network.
 
Ayon sa kuwento ni Pokie kay Eric John Salut,  dapat noong nakaraang June 1 ay naka-schedule ang monthly menstruation ng komedyante.
 
“Eh wala pa. Kaya nung June 10, nagpabili ako ng pregnancy kit sa make-up artist ko, kay Roviel, yun na! Doon ko nalaman na buntis pala ako.
 
 “Agad agad nagpunta kami ni Lee (O’ Brien) sa doktor. Seven weeks na pala akong buntis,” pagkukuwento niya kay EJ.
 
Dahil delicate ang estado ng pregnancy niya, nag-decide ang komedyante na huminto muna sa pagta-trabaho,  kung saan isa siya sa mga regular cast embers ng aksyon-seryeng FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin na napapanood after ng TV Patrol.
 
Dahil sa kanyang sitwasyon ay nagpaalam siya sa kanyang handler na si
Monch Novales at kay Deo Edrinal na head ng Dreamscape Entertainment,  na in-charge sa pagpo-produce ng serye ni Coco para sa Kapamilya Network.
 
Maging ang pelikula ni Mamang Pokie for Star Cinema kung saan ilo-launch ang tambalang MayWard at KissMarc ay magsisimula na mag-shooting anytime ay nag-back out na rin ito.
 
Ang show niya na Banana Sundae, out muna siya. “Babu muna ako. Tigil muna ako sa lahat dahil magalaw ako, kailangan ko ng full rest ayon sa doctor ko,” sabi nya.
 
Dahil sa ipinagbabawal sa kanya ang gumalaw-galaw; ang mga kaibigan niya like Angelica Panganiban at si Pooh ang dumadalaw sa bahay niya sa Antipolo.
 
Sa paglilihi ni Pokie, ayaw niya ng amoy na may ginigisa (baka sa amoy ng bawang at sibuyas).
 
.“I pray for a normal delivery. Pero sabi ng doktor, malaki ang bata. Amerikano ba naman ang tatay. Kakayanin ng normal pero kung hindi, baka mag CS talaga,” aniya.
 
Sa katunayan nang malaman ng pamilya ni Lee na preggy siya, gusto nilang pumunta agad sa Pinas at excited sila.
 
Suggestion ni Lee ay sa Amerika ito manganak pero mas gusto ni Pokie na dito sa Pinas manganak. “Ang hirap doon, mag-isa ako. Dito marami ang mag-aasikaso sa akin.”
 
Sa February 2018 ang due date ni Mamang Pokie.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING