Pokwang, pinaiyak ni Piolo Pascual – Archie de Calma

ADVERTISING

Pokwang, pinaiyak ni Piolo Pascual – Archie de Calma

IBANG KLASE TALAGA si John Lloyd Cruz. Kung kinilig ang marami sa kanila ni Bea Alonzo noon, then, Sarah Geronimo, at marami ring nagtsi-cheer sa real-life romance nila ni Ruffa Gutierrez, aba, may kakaibang kilig din nang sila ang magtambal ni Luis Manzano sa In My Life, ang bagong handog ng Star Cinema.

Sa casting, perfect vehicle nga naman ito para kina Vilma Santos at Lloydie. Si Luis dito ay bale pang-limang choice na lang, at nang unang ialok dito ang role, tumanggi na agad ang anak ni Ate Vi.

Iba nga naman kapag nababasa na ang buong script, may hard copy na kumbaga at mas napapag-aralan kung ano ang laman talaga ng role. Napagtanto ni Luis na mas matindi ang mapapatunayan niya sa pagganap ng ganitong klaseng role.

Sa kontrobersyal na kissing scene nina Luis at Lloydie, mukhang iniiwas talaga ni Direk Olive Lamasan ang presence ni Ate Vi sa set. Pero, sabi ni Direk, malamig sa New York, magdidilim na halos that time and she instructed Ate Vi to go home na muna dahil kinabukasan, ratsada na naman ito sa shooting. Hindi raw dahil iniiwas lang niya ang ina para makita ang anak na nakikipaghalikan sa kapuwa nito lalaki.

ADVERTISING

Very commendable ang gesture na ito nina Lloydie at Lucky. Magiging precedent ito among other young actors na there’s nothing wrong in portraying gay roles, at hindi naman ito makakasira sa image, basta gawin lang nang tama.

Sabi nga ni Ate Vi, tiwala siya na hindi mabababoy ang anak niya sa mga eksena nito with Lloydie dahil sa reputasyong tangan ng Star Cinema sa paggawa ng pelikula.

NAPAIYAK SI POKWANG sa gabi ng kanyang kaarawan, ginanap sa Blue Without U, sa Esquinita ng Sgt. Esguerra Street, Quezon City. ‘Yun ay dahil sa pagsulpot doon ni Piolo Pascual.

Sabi ni Pokie, last year daw kasi, hindi nakapunta si Papa P niya. Naiintindihan naman ni Pokie na kaya ganoon, kasi, may conflict sa schedule ng trabaho. Ganito rin sa kaso ng ibang guests na naimbitahan niya na hindi nakarating ngayon pero alam niyang babawi sa kanya sa ibang pagkakataon.

Pero, grabe si Pokie sa pagka-Diyosa nang gabing ‘yun, huh! Lagi siyang niyayakap ni Sam Milby. Marami ring cute guys na nakita namin sa party, kasama si Zanjoe Marudo at iba pa. Inggit ang mga bading sa kanya!

Na-miss sa party si Willie Revillame na matagal nang hindi napapanood sa Wowowee at naitanong nga rin kay Pokie na baka siya na ang ipalit kay Willie dahil nagwo-work naman daw sa mga manonood ang absence ng kontrobersyal na TV host.

Parang gustong umiwas ni Pokie na sagutin ito. Kasi nga, in terms of delicadeza, naniniwala si Pokie na ang Wowowee ay si Willie, and vice-versa.

Sinasabi namang babalik din si Willie sa nabanggit na noontime show. Sana nga, pero marami ang nagsasabing okey na rin naman na wala siya.

Sabi ng iba, absence makes the heart grow fonder. Pero, sa tagal na nawala si Willie, well, mukhang absence is making hearts forget, kasi, tuloy naman ang ligaya sa Wowowee even without Willie.

Calm Ever
Archie de Calma

ADVERTISING