Pokwang, pinagtripan si Raymond Gutierrez

ADVERTISING

Pokwang, pinagtripan si Raymond Gutierrez

Pokwang, pinagtripan si Raymond GutierrezKUNG HINDI KAMI nagkakamali, e, isang taon na ang nakalipas since we have written an item in this same column tungkol sa diumano’y reklamo ng isang menor de edad na babae laban sa pangmo-molestiya sa kanya ni Patrick de la Rosa, na kasulukuyang nakakulong sa Station 7 ng Kyusi sa kasong rape.

With that particular item, unsolicited reactions popped out na ‘yung iba, e, hindi makapaniwalang gagawin ‘yon ni Patrick. ‘Yung iba naman, e, nagsasabing tsismis lang daw ‘yun at hindi totoo.

Up to now, e, nagkakapalitan pa rin kami ng text messages ng menor de edad na girlet na nagsumbong sa amin nu’n tungkol sa diumano’y sexual harassment na ginawa sa kanya ni Patrick.

Dahil bata nga, hindi siya nagkaroon ng lakas ng loob noon na idemanda ng child molestation at sexual abuse ang actor. Pero ngayon, ang sabi niya, e, inabot na raw ng karma ang gumawa sa kanya nu’n.

ADVERTISING

Sabi pa niya, ang nangyayari raw siguro sa buhay ngayon ng provincial board member, e, isang kalabit na nanggagaling sa Itaas para matigil na raw ito sa walang awang panloloko at pagpapaasa sa mga babae, regardless of their age.

At dahil na rin sa naisulat namin noon, we feel vindicated dahil ang nangyaring rape case ngayon ni Patrick somehow affirmed our expose noon, kung saan nakakuha pa kami ng threat galing mismo sa aktor, na kung sakaling hindi siya manalo bilang board member dahil sa aming naisulat, e, babalikan niya raw kami. At dahil nga nanalo siya sa pulitika, ayun, hindi na niya kami binalikan gaya nang banta niya sa amin.

As of press time, ang balita namin, e, ibinebenta raw niya ngayon ang kanyang condo unit sa Pioneer Highlands dahil ino-offer-an daw niya ng P2M pesoses ang kanyang rape victim para hindi na ituloy ang kaso at makalabas na siya sa selda.

Kung true man ito, ewan lang namin kung papayag ang rape victim lalo na’t ang magaling na abogadong si Atty. Villamor ang humahawak sa kaso nito ngayon.

Pero kung ang hindi mabilang na mga babaeng nabiktima noon ni Patrick ang tatanungin, sigurado, hindi papayag ang mga ‘yon… Pwamis!

DUMALE NA NAMAN si Pokwang sa kanyang second night ng The Endangered Species concert sa Aliw Theater nang in-impersonate niya si Tita Anabelle Rama.

Habang ini-impersonate niya si Tita Anabelle ay tinanong siya ni Chokoleit kung sino ang girlfriend ngayon ni Richard Gutierrez.

Ang sagot niya: “Naku, Dong, maraming magagandang tsiks ang humahabol sa kanya, Dong, pero wala pa siyang girlfriend!”

E, sino naman po ang girlfriend ngayon ni Raymond Gutierrez?

“Naku, Dong, magaganda ang mga collections ng blazers ni Raymond, Dong!”

Malayo ang sagot kaya alam n’yo na kung ano ang ibig sabihin nu’n, ‘di ba?

Nang umalis si Pokwang, nagpahabol ng one-liner si Chokoleit.

“Siguro, hindi nagagalaw ni Tito Eddie si Tita Anabelle kaya laging mainit ang ulo,” tsaka nagtawanan na naman ang mga audience.

Hmmm… just wondering. Hindi kaya mapikon na naman ang tunay na Tita Anabelle sa ginawang paglalaro ng dalawang komedyante sa kanilang character lalo na kay Raymond?

Pero question lang. Puwede kayang itanong sa tunay na Tita Anabelle ang tanong ni Chokoleit tungkol kay Raymond?

MALAKAS ANG TIWALA ng mga taga-Star Cinema na kahit kontrobersiyal at pinag-uusapan ngayon ang walk-out scene ni Gerald Anderson kay Kim Chiu sa press conference ng pelikulang ‘Till My Heartaches End ay titiba pa rin ito sa takilya.

Yap! Kahit na may banta ang mga Kimerald fans na ibo-boycot nila ang naturang movie.

Why? Dahil sabi ng mga insiders, e, may kilig pa rin daw ang Kimerald loveteam kahit na masyado itong fatally controversial dahil kung hindi, e, hindi raw magwawala nang ganito ang mga fans.

Marami pa rin daw ang sumusuporta sa loveteam ng dalawa and with this reason alone, e, siguradong makaka-jackpot daw ito sa box-office.

Kapag nagdilang-anghel ang nakausap naming insider, sigurado, tuloy na ang Gerald and Bea Alonzo real life tandem dahil it only means na tanggap ng fans na for reel na lang ang Kimerald love team.

Pero paano kapag hindi? Knock on wood…

For reactions, please e mail mediatouch2000@yahoo.com

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

ADVERTISING