Pokwang, para kay Ai-Ai delas Alas lang daw ang titulong Comedy Queen

ADVERTISING

Pokwang, para kay Ai-Ai delas Alas lang daw ang titulong Comedy Queen

PokwangMarespetong tao si Pokwang, dahil sa ginanap na presscon para sa pelikulang “All You Need Is Pag-ibig” ng Star Cinema ay ineetchos kung siya na ba ang bagong Comedy Queen? Tinanggihan niya iyon, dahil alam naman nga sa showbiz na si Ai-Ai delas Alas ang markado at tinatawag na Comedy Queen, na sa panahon ngayon ke lumamlam o umangat ang career ay wala pa talagang makadadaig sa kanya pagdating sa pagpapatawa.

Ang kapuri-puri talaga sa ugali ni Pokwang ay masipag siyang magtrabaho. Masipag siya, at mababaw lang naman ang kanyang kaligayahan. Ayaw niyang nababakante siya, dahil nasa sistema na talaga niya ang showbiz at ang pagtatrabaho, ganu’n din ang makapagpasaya sa pamamagitan ng istilo ng kanyang pagpapatawa. Kung tutuusin, ever since naman talaga ay ayaw niya na sinasabing sa bakuran ng ABS-CBN ay siya ang pumalit noon sa trono ni Ai Ai bilang Comedy Queen.

Hindi naman nagkakamali si Pokwang ng kanyang pagrespeto kung para kanino ngayon ang titulong Comedy Queen. Dahil pinaghirapan iyon ni Ai Ai. Sakto ang respeto, dahil si Ai Ai ay marespeto rin sa kanyang kapwa komedyana. Noong nasa bakuran pa si Ai Ai ng ABS-CBN ay nananahimik lang siya kapag iniintrigang si Pokwang na ang papalit sa kanyang trono. Masaya si Pokwang sa kung saan pumupunta ang kanyang career, kaya ayaw rin niyang para lang siya mapuri ay makatapak siya ng ibang tao.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING